Hi guys. Di ko alam paano ko sisimulan 'to. Nahihirapan na kasi ako sa love life ko ngayon. Mejo toxic na. Mejo immature yung ganitong setup sa age ko. Yung partner ko kasi is 25 at ako 29. Tho hindi naman ganun kalaki pero andun parin siya sa stage na parang highschool parin yung relasyon na tinatahak niya. Ang problema kasi may anak ako at binatang ama, pero di ko alam kung problema ba talaga yun or nasa babae nalang kung tatanggapin ako.. Tuwing magaaway kami, lagi niya ginagamit sakin yung past ko. Yung pagiging tatay ko. Inuunahan niya ng pagwawala, oo galit ako in a way na galit ako magsalita. Pero once na nagalit ako magrereact sya ng pagwawala na parang wala sa katinuan at naninira ng mga bagay bagay. Lagi niya ko kinukumpara sa ibang lalake kesyo si lalake A di ganito di ganyan si lalake B mabait sa ganito ganyan. Tuwing away lagi niya ko sinusumbatan pagdating sa mga bagay bagay. Pag ganun na ang nangyayari di na ko umiimik kasi alam ko pag pumalag pa ko lalo lang siya maghihisyterical.. Trinatry ko siya isama sa mga family gatherings like sa office ko mga koworkers ko na nasa 30+ yrs kasama mga family nila, iniisip ko baka kung isama ko sya makapulot sya ng mga alam niyo yon, matured advice from mga elders na nakakasama namin. Pero hindi, para siyang 17 yrs old na nagiinarte at nagrereklamo, gusto ng umuwi bla bla ayaw niya makipag socialize. Masakit at mabigat sa pakiramdam na hindi ko siya pwede pagsabihan kasi blinoblock niya agad yung mga payo ko sa kanya. Stressful siya na tao. Mga maliliit na bagay prinoproblema niya ng sobra sobra. Hindi ko alam bakit ako nagtitiis siguro kasi mahal ko? Pero may mali. Parang di ko deserve to. Pinipilit ko siya imulat sa mga bagay bagay pero gusto lang niya sa kwarto magkulong. Pag naalis nga ako kahit basketball pagdududahan pa ko. Ang hirap lang. Hindi kasi siguro ako masyado sweet kasi ganun tlga personality ko, pinapakita ko nalang by caring. Hindi ko alam pano ko ihahandle yung ganitong babae..