Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Aspiring Network Engineer

SAW THIS THREAD TODAY. JUST WANT TO SHARE MY EXPERIENCE.

Wag na wag kayo mawawalan ng pagasa pumasok sa career ng networking.

3yrs ako data analyst sa Accenture. 2014 to 2017. Nagdecide ako magcareer shift. Tutal meron kami subject na Cisco nung college, yun yung naisip kong tahakin.

Habang employed ako, nagstart ako magbootcamp (pondohan mo lang talaga sarili mo) tapos ng maipasa ko yung ccna exam ko after 6months ng aral, nagresign ako para matutukan ang job hunting. Maganda nito, pag nagstart ka ng bootcamp, dun mo mamemeet mga connections at pwede ka nila marefer.

Nagstart ako as network engineer sa isang POGO. Pangit image nitong ganitong company pero malaking tulong. Dun ako nakahawak ng live devices. Switches,core sw firewalls, wireless controller, aps. cctv at kung ano ano. Ikaw na din IT dun e. Sakto lang sahod tapos 6days papasok. Not bad kasi wala naman ako exp. So mahirap sya at all around. Pero yun talaga ang maganda para matuto.

Nagsara yung POGO after ng halos 2 yrs ko dun dahil naraid.(hahahahah), 2months job hunting, natanggap naman ako as network engineer sa isang sikat na university. Dito ako namulat sa ITIL process na may mga tickets. Dito na din nagsimula yung mga projects at implementation. ikaw na din yung consultant. In short, dito ako namulat sa totoong trabaho ng Network Engineer. maliit sahod, solo duty, pero dito talaga ko nagenjoy. ikaw bahala sa buong campus network na may 4 na branches. yung senior mo hindi mo kasama. so batak batak ulit. tapos may mga POC pa. para sa mga bago, yung POC yung mga pinapahiram na devices ng mga vendor para matry nyo at pag tumagal is bibilin nyo na.

Ngayon Network engineer/NOC sa isang local telecom company dito sa pinas. putsa mas mahirap pala. kasi ikaw na yung maglalaro ng routing dahil ISP nga kayo. tapos may managed networks pa ng ibang company. dito na ko nakahawak ng solarwinds, checkpoint, ddos monitoring, at lahat ng kung ano anong devices. Tho mas mahirap to kesa dun sa university, feeling ko pag alis ko dito mas batak na ako.

kaya sa mga natatakot jan maging network engineer, wag kayo matakot. ok lang mawalan ng internet yung hawak mong company. IR at sermon lang naman katapat non. hahahahahaha. hindi nga pala to pangmahihina ang loob. maeexperience mong masuka lalo kapag nagdown internet ng company with around 100+ clients. hahahahah

PERO KAYA NYO DIN NAGAWA KO PRAMIS!

PS. di ko pa bawi mga pinangexam ko! hahahaha
 
Nakita ko lng din to ngayon ,sakto looking for Job ako sa Field na to . Mayron ba kau image for Eve-ng ? Praktis labs habang wla pa nakikita trabaho :D
 
Back
Top Bottom