Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Modem Remoting - Sa Ganang Akin Lang

Culsjane

The Devotee
Advanced Member
Messages
317
Reaction score
0
Points
26
Marami nang nagpaalala, nakiusap, nangunsyensya, nangmura, nagbanta at kung anu-ano pa tungkol sa mga sinasabing (feeling) "hackers" na naninira ng modems.

Marami na ring opinyon ang kumalat sa kung sino o ano ang katauhan ng mga gumagawa nang ganito. May mga nagsasabing 'yung mga negosyo ang mag-repair (to generate demands, 'ika nga), may mga nagsasabing 'yung mga papampam na nagti-trip lang, may mga nagsabing mga newbies na natuto lang ng kaunti eh 'yun nga, "feeling" "hacker" na, may mga nagsasabi ring 'yung mga espiya o mga taga-ISPs mismo, idagdag pa 'yung mga nagsabi na baka mga datihan na rin sa ganitong "tweaks" at talagang may saltik lang sa ulo kaya namemerwisyo.

Karugtong nito ang samu't saring palagay sa kung ano ang mga hakbang na ginagawa ng ISPs para solusyonan ang laganap na pagkasira ng mga modems ng legits, gayundin ang mga posibleng "end-scenario" kapag nagpatuloy ang ganito.

Sa ganang akin lang, kahit sino pa man ang gumagawa ng ganito para sa kung ano pa mang dahilan at sa kung ano mang puwedeng kahihinatnan nito, isa lang ang sigurado
MARAMI SA ATIN, KUNG HINDI MAN LAHAT, AY APEKTADO. Kaya natural at nararapat lang na mag-isip tayo ng mga paraan para maibalik sa ayos ang lahat. HIndi lang ito usapin ng "survival" ng "free (WiMAX) internet". Sa dulo ay usaping "PAGPAPAKATAO" rin lang ito.

Hindi po ako nagmamarunong. Cloner-Legit lang din ako na tambay ng section na ito na limitado ang kaalaman sa 2 models na meron ako. Gaya ng mga nauna, panawagan po ito sa para sa lahat, na makatulong sa kahit papaanong paraan para masawata ang unti-unting nagiging malawakang paninira ng modems.

Para sa mga legits, kahit napadpad lang tayo dito, kasali rin tayo. Para sa mga cloners, mukhang "no choice" tayo, parang tama rin na kailangan nating proteksiyonan ang connection ng mga legits nating kapatid. Nakaw sa kung nakaw o "share" na sa kung "share" ang tawag sa connection ng isang cloner, it doesn't matter. Hindi mabuti at hindi katanggap-tanggap sa mata ng mga taong "tama at mali" o "black and white" lang 'ika nga, ang pamantayan sa buhay, ang tinatamasa nating biyaya. Huwag na nating pababain pa ang level na ito. Nakikiamot lang tayo, huwag tayong maging "buraot".



For the authors of the threads that teach and discuss scanning of IP addresses, extracting/sniping of MAC addresses and remote access of modems;
and for the developers of the tools and authors of the threads that deal with modem "hacks" and "tweaks":

May I humbly ask that your relevant threads be updated with statements that encourage the responsible use of their tools and application of the knowledge that their threads impart.


Kung mayroon na pong mga ganitong statements, saludo po ako sa inyo.
Sa mga mag-a-update po ng threads, maraming salamat po sa pakikiisa ninyo.

Sa mga "concerned parties" na hindi makikibaka, "alam na".



At para naman po sa mga ang hilig talaga ay mangialam ng modem ng may modem, "proteksiyon" sana at hindi "kunsumisyon" ang idulot ninyo sa mga matisod ninyong connection.

Tandaan sana natin na hindi patunay ng kagalingan ang kakayahang makagawa ng mga bagay na sa akala natin ay iilan lang ang nakakagawa. Ang tunay na magagaling ay ang mga may kakayahang pigilan ang sarili na gawin ang mga bagay na alam nilang magdudulot ng masama.


Epal na kung epal, ayoko lang kasi ng magulo tayo dito. Kayo ba, ganito ba ang gusto ninyo?


Sa ganang akin lang.



To MODS:
This thread was initially posted on Network General Chat section. It is also being posted here in this section as an attempt to reach out to more members. Rest assured that I will respect it should any of you deem this to be in violation of any our rules.
 
Last edited:
nice read. but it think your sincere words will only fall to deaf ears. legit user din ako bro, dati vpn gamit ko pero nagmature na isip ko. time to follow and obey the rules (except FUP ^_^).

simpleng traffic rules nga di masunod-sunod ng mga Pilipino, ito pa kaya. BTW, obeying traffic rules is the LOWEST form of law obedience.
 
Back
Top Bottom