- Messages
- 62
- Reaction score
- 1
- Points
- 28
Hello mga ka-symbianize. Ask ko lang po kung normal ba na hindi mainit na hangin ang binubuga ng outdoor unit ng split-type aircon namin or may sira na yun? Malamig pa rin naman yung buga ng aircon sa loob ng bahay, di nagyeyelo yung condenser coil at yung copper tube sa outdoor unit malamig naman at di rin nagyeyelo. Bagong linis lang rin po yung aircon, walang butas yung tubo and puno naman yung refrigerant. Umiikot din naman yung fan ng outdoor unit pero compared before, mainit ang nilalabas na hangin ng outdoor unit noon pero ngayon, parang electric fan na lang siya, walang init yung buga. Thank you po sa mga sasagot.