kami ng kaibigan ko ay nag aantay ipasa ang divorce bill sa pilipinas bago kami mag decide na mag asawa kaya hanggang ngayon ay single kaming dalawa. divorce ang kailangan namin dalawa bago mag asawa para safe kami kapag nagkaroon kami ng asawang lalake. ang hirap kase maging babae kapag walang divorce. pro ako sa divorce.
ang pros and cons ng divorce.
ang pros ng divorce ay magiging free. meron ka ng life experience from your ex wife o ex husband kaya kapag meron bago partner, alam na ang gagawin at pwede na baguhin and dapat baguhin sa magiging bagong partner. hindi siya panghabang buhay burden. may posibilidad na makapag move on. new life, new beginning and new love life.
ang cons lang ng divorce ay hindi forever ang pagsasama.
ang pros ng walang divorce ay till death do us part. magkasama forever hanggang pagtanda.
ang cons ng walang divorce ay forever na nagsasama pero it does not mean na forever masaya ang mag asawa. hindi lahat na mag asawa na forever na nagsasama ay panghabang buhay na masaya. ang ibang mag asawa ay nagsasama lang for the sake of magkasama kahit no love at all dahil lang sa bata (mas pangit iyon) dahil andiyan and stress, andiyan ang feeling of depress, feeling of burden na ang kulang na lang ay mag suicide. hindi masaya. malungkot ang buhay. iyon lang ang problema.
hindi ako naniniwala na meron epekto ang bata kapag nag divorce ang parents. nasa paghahandle ng parent sa anak kung papaano niya ipapaliwanag ito para maunawaan. ang problema kase sa pilipinas, pina cultivate sa utak natin na biological father at biological mother ang kailangan para bumuo ng happy family ni hindi itinuro sa atin na kahit non-biological father o non-biological mother ay pwede bumuo ng happy family katulad ng step dad o step mom. nasa parents na kung papaano eexplain sa bata at saka kapag busog sa pagmamahal ang anak kahit divorce ang parents, wala siyang epekto sa bata. ang iba kase, divorce na nga, lack of love pa. talaga may epekto sa bata.
meron ibang anak na gusto na parents ang mag divorce lalo kung alam nila na loko-loko ang isa sa kanila o kung alam nila na hindi worth ang isa sa kanila ang parent.
oo. pwede talaga habulin. ang kawawa diyan ang tao na gusto maging masaya at gusto maging malaya.
katulad na lang sa raffy tulfo na nag usap na raw ang mag asawa na hiwalay na sa baranggay. nagpunta ang babae sa ibang bansa at nagkaroon ng boyfriend. ito si lalake ay nang nalaman na meron boyfriend ang babae, hinabol niya. meron pa siyang habol dahil mag asawa ang dalawa. bumalik ang babae sa pinas at kakasuhan ang babae dahil kasal siya sa lalake. umiiyak ang babae dahil hindi na raw niya mahal ang lalake, nakikiusap ang babae na eset her free daw siya. ayaw ng lalake dahil asawa niya ang babae kaya kawawa ang babae. hindi na siya masaya panghabang buhay dahil pwede siya kasuhan at makulong kung hindi siya bumalik sa asawa niya. umiiyak talaga ang babae. pakawalan na daw siya.
Ayoko ng divorce sisirain lang nito ang pamilya lalo na ang mga bata. Mahirap din sa divorce ay magbabayad ang lalaki ng alimony sa babae. Unfair!
Alam mo pag wais kc yong babae, pag nag divorce required na susuportahan ngayon siya ni Mister kahit di na sila nagsasama pa. Yan ang alimony. Ang mahirap dyan, nagpapa torjack na nga yong babae sa iba, tapos si Mister pa ngayon ang mag susuporta sa kanya. Ipanalangin mo na lang na magpakasal na yong babae sa iba para mag stop na yang alimony. Ganyan kc ang nangyayari sa Canada, kakaawa ang mga kalalakihan doon. Yong Misis nila o GF (with cohabitation) ay lumilipat lang agad kung sino ang matitipohan, ang kawawa ang mga lalaki kasi order ng korte na suportahan ang babae by way of alimony. Kung ano ang income ni lalaki ipapantay siya dapat sa income ng babae. Kawawa mga lalaki dito. Kaya daming mga Canadians gusto dito manirahan sa Pinas o Thailand para iwas alimony at magbuhay parang hari. Buti sila, eh kung Pinoy ka saan ka ngayon pupunta? Di ka makakalusot!
Q: How long do you pay alimony in Canada?
Answer: For post separation families without children, support duration ranges from
one-half to one year of support for each year of marriage (or cohabitation), with duration becoming indefinite after twenty years of marriage.
Source:
https://www.separation.ca/help-centre/faqs/spousal-support/
kaya pala. ang babae sa pinas ay masyado pini praise ang divorce bill sa ibang bansa kaya ilang babae ay gusto umalis sa pinas at lumipat doon while ang lalake sa ibang bansa na meron divorce bill ay gusto lumipat naman sa pinas dahil pini praise nila na walang divorce.
naintindihan ko na ang divorce sa non divorce ng tao kung bakit exisitng ito. parang nagkukumpentensiyahan ang ganun scenario. tipong ang babae gusto e trato na reyna tapos ang lalake gusto etrato naman na hari. so ang divorce ay pambabae pala siya. sinungaling pala ang pare na nagsasalita sa simbahan namin. sabi, panlalake daw ang divorce kaya kawawa ang babae at bawal ang divorce. namulat ako, pang girlish pala ang divorce hihi.
at saka basi sa naririnig ko na gusto ng mga taga kano ang filipina dahil ang tingin nila nito ay pang housewife at submissive woman kaya sa karanasan ng ibang tao, nakikigaya na rin ang kano na meron kabit-kabit. meron ibang babae ang kano, katulad na kwento sa amin. depressed ang wife ng kano dahil meron ibang babae. wala naman divorce sa pinas kaya yup, parang hari ang kano dahil mas nagagawa nila ang hindi nila nagagawa sa sariling bansa. meron pa nga ginawang utosan ang wife na taga dala ng bag, taga bili ng pagkain. ginawang slave. kase iyon ang na kikita ng kano sa babae sa pinas. submissive type tapos walang divorce kaya they thought filipina women ay housewife material lang siya. unlike sa kanilang bansa, ang babae sa kanila ay assertive. meron successful marriage ang kano sa pinay pero iyon ang naririnig ko kapag kano at ang pinay ay nagpakasal. feeling ko beneficial sa kanila iyon dahil ganoon ang klaseng nahubog na mentally sa pinas kaya yup, parang hari ang dating ng lalake dito sa pinas.
best friend ko. taga filipino-canadian. umuuwi sa pinas minsan. nagtatrabaho siya doon. sabi, masarap daw maging babae sa canadian. hindi tulad dito sa pinas. karanasan niya.