Kailan kaya?
by: Yours truly
Kailan kaya muling ngingiti
para sa pag-ibig na matagal ng minimithi.
May darating pa kaya para ako'y mahalin.
At sa araw araw ako ang laging pipiliin.
Di ko pa limot ang pait ng kahapon,
ngunit alang-alang sa sarili ako'y pilit na babangon.
Nagbabakasakaling ako'y makakaahon,
sa pag-ibig na puno ng pighati hanggang sa ngayon.
Sumugal ako sa isang pag-ibig na walang katiyakan.
Akala ko'y walang hangganan ang kasiyahan.
Yun pala'y may katapusan,
iniwan ako nang di ko inaasahan.
Wala akong nagawa,
ika'y bumalik sa iyong totoong mutya.
Hindi na maghahabol pa,
ibibigay ko sa'yo ang iyong laya.
Kahit masakit, ako'y magpaparaya.
Basta't sa aki'y 'wag nang babalik pa.
Tanggap ko na,
na ika'y isa na lamang alaala.
Ang Diyos na ang nagtakda,
hindi tayo para sa isa't isa.
Ang tanong ko na lang sa aking sarili'y
Kailan kaya?
Kailan kaya papabor sa akin ang tadhana.
Kailan kaya darating ang taong sa aki'y nakatakda.
Kung meron man, sana'y mahanap ko na.
Kung wala man, sa Diyos na lamang ipapaubaya.
Gayunpama'y hindi pa rin mawawalan ng pag-asa.
Na baka isang araw darating ang taong saki'y nakatakda.
Dahil gaano man naging malupit sa'kin ang mundo,
may magmamahal pa rin sa akin ng totoo at buong buo.