Pinapayagan po natin ang profession of faith. Malaya tayong sabihin yung paniniwala natin.
Ang hindi po natin pinapayagan dito sa forums natin ay kwestyunin yung paniniwala ng iba.
Bawal po ang mga sumusunod:
Ang hindi po natin pinapayagan dito sa forums natin ay kwestyunin yung paniniwala ng iba.
Bawal po ang mga sumusunod:
- Tanungin ang ibang members lalu na yung mga tanong na nanghihingi ng patunay o katibayan.
Kaya lang naman tayo nagtatanong at nanghihingi ng katibayan ay para kontrahin sila dahil iba ang pinaniniwalaan natin sa pinaniniwalaan nila. Wag natin silang hingan ng paliwanag. Tayo ang magpaliwanag kung bakit iba ang paniniwala natin.
- Makipagdebate o makipagsagutan sa ibang members na may ibang paniniwala.
Kung may makita tayong post o thread na iba sa paniniwala natin, huwag na po tayong mag-reply don. Mag-reply lamang po tayo dun sa mga post na sumasang-ayon tayo.
- Name-calling, pagbansag, o pagpalit sa tunay na pangalan ng isang bagay, institusyon o tao.
Halimbawa po nito yung 'iglesia ni manalo', 'mormon', 'saksi ni baho', etc. Isang uri po iyon ng pag-insulto o paninirang-puri na kailanman ay di natin pinapayagan dito sa Symbianize.
Sa madaling salita po...
MIND YOUR OWN RELIGION!
Ide-delete po natin yung mga posts o iko-close yung mga threads na lumalabag at posibleng makatanggap ng account suspension ang members na paulit ulit na lumalabag.
Kung may makita po tayong post na lumalabag, paki-click lang yung REPORT link ng post na yon. Ilagay po natin don yung detalye at click natin yung send button pagkatapos. I-report po natin agad wag na tayong gumawa ng counter-reply para hindi na humaba at hindi ma-close o ma-delete yung thread at baka tayo rin mismo ay mabigyan ng suspension kung papatulan pa natin.