Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Nahulogan ng butiki sa ulo?

May naniniwala pa ba sa pamahiin? Sa panahon ngayon, ang pamahiin ay paniniwala na lang ng mga matatanda na walang rasyonal na paliwanag.

- Bawal matulog nang basa ang buhok, mabubulag / mababaliw daw. Bakit daw mabubulag / mababaliw? Anong basehan? Ang isang siguradong mangyayari ay mamamaho lang ang unan mo dahil sa nakulob na basang unan.

- Dati, ang pagkuha ng litrato (picture taking) ay masama daw, dahil ikinukulong ng litrato ang kaluluwa ng taong kinukuhanan ng litrato. O eh di sana madami nang namatay ngayon dahil sa mga selfies.

- Pag nagkaroon ka ng sugat sa mahal na araw, hindi ka gagaling. Eh bakit yung mga nag-penitensya gumaling na agad kinabukasan?

- Pag namatay na mabait, diretso sa langit. Pag namatay na masama, diretso sa impyerno. Pag medyo-medyo, diretso sa purgatoryo. Paano yung mga relihiyon na hindi naniniwala sa konsepto langit, impiyerno, o purgatoryo, saan sila pupunta?

- Pag kumain ng kambal na saging ang buntis, ay magiging kambal ang anak. Hereditary ang pagkakaroon ng twins. Kung wala sa history ng pamilya mo o ng asawa mo ang pagkakaroon ng kambal, paano ka magkakaroon ng kambal?

Wag masyadong bigyan ng simbolismo ang lahat ng bagay. Wag mo masyadong ikomplika ang pag-iisip. Baka napagod lang yung butiki, O baka pumalakpak lang...
 
Last edited:
Back
Top Bottom