Re: [HELP] Need tips for our Davao trip
Hello
Feedback lang mula sa trip namin.
Nasunod naman for the most part yung itinerary namin.
Sa Cateel / Aliwagwag Falls lang kami nagkaroon ng problema.
FOOD - Na-enjoy naman namin lahat ng kinainan namin - Penong's, Luz Kinilaw, Aling Foping's, Lachi's, Caitlyn's at Balik Bukid (tatlong beses kaming bumalik sa Balik Bukid dahil gusto naming matikman lahat ng items sa menu
). Yung Penong's, naisip namin, "Kung meron siguro nito sa Metro Manila, malulugi ang Mang Inasal."
. Mas gusto rin namin Caitlyn's kaysa sa Din Tai Fung. Hehe.
COMMUTE - Really impressed. Sa lahat ng local destinations na napuntahan namin, Davao (City) na siguro ang pinaka madaling intindihin lalo na for tourists na ayaw mag taxi or mag rent ng private vehicle (Way better than Cebu City, sa totoo lang.
).
ACCOMODATION - We stayed at ALU for 3 nights and overnight sa Green Windows nung nasa city kami. Ok yung breakfast sa ALU tapos yung sa Green Windows parang pantawid gutom lang
hindi rin nakatulong yung "cafeteria / canteen" setup nila. As for the rooms itself, mas modern at spacious yung Green Windows kaso naturingang "Green Windows" pero walang bintana yung rooms.
ALU was just right and mas gusto namin yung location niya (Night Market ftw
).
DESTINATIONS:
Philippine Eagle Center - kailangan siguro ma-improve yung "park side" niya pero yung mismong PEC kung nasaan yung mga hayop ay ok naman.
Malagos Chocolate - resort din pala ito? akala ko parang bilihan lang ng chocolate stuff
Magsaysay Park - nice to see an outdoor skating rink within the city. ok din dahil malapit sa bay.
Roxas Night Market - window shopping at kumain lang kami ng kumain.
enjoy.
Bangkerohan - fruit trip. yun lang masasabi ko
Aldevinco - dumaan lang kami
Mati - love the waves and the sand pero kung gusto ko mag relax, mas gusto ko pa rin ata sa Bantayan Island (Cebu).
Sleeping Dinosaur - around 11am kami dumating at tirik na ang araw so yeah, mainit.
dapat talaga around 5am ka mag start sa bulalohan view point. Wala naman na kaming choice dahil sa schedule namin so tinuloy pa rin namin kahit tirik yung araw kasi malamig naman yung simoy ng hangin.
Saga Ultralight Airplane - 2700 per person for 15 mins. Is it worth it? Oo raw sabi ni kumander pero for me, namamahalan ako.
Sinabi ko na hindi na lang ako mag avail pero wala naman akong nagawa at masama na yung simangot niya.
Kung gusto mo siyang ma-experience, then it's well worth the price pero kasi nasubukan ko na lumambitin sa tuktok ng building so para sa akin hindi na ako ganun ka-excited. Hehe.
Aliwagwag Falls - Beware dahil walang cell signal ng kahit anong network sa mismong Aliwagwag Eco Park at hanggang 12 noon lang may public transpo pabalik / palabas ng Cateel.
Kinausap namin yung driver ng UV na nasakyan namin from Mati to Cateel at sabi niya may mga UV na dumadaan ng ComVal ng 1pm). We also exchanged numbers para ma-confirm o maabisuhan kami tungkol sa availability nung UV para maabangan namin pag dadaan na siya. Sinabihan niya kami na gumamit ng Smart na sim dahil yun daw ang malakas sa Cateel. Nagulat kami nung pagdating namin sa Aliwagwag na wala raw talagang signal doon, according sa staff pero they confirmed na may mga dumadaan ngang UV sa lugar. We did our due diligence naman at nag confirm sa dispatchers ng Bachelor at Mallen na mayroon ding bus na manggagaling ng Cateel ng 4pm so we were confident na may masasakyan kami pabalik ng Davao City (Dito siguro nagkaroon ng di pagkakaintindihan). Tinapos namin yung activities namin sa Aliwagwag ng maaga at naghintay na kami sa highway ng 1pm sharp. Lumipas ang isang oras at walang dumaan so we decided na pumara ng habal habal at pumunta ng Cateel bus terminal. Pagdating doon ay nalaman namin na wala na ring UV at bus pabalik ng Mati or Davao City kaya napilitan kaming mangontrata ng tuktuk (nice to see na meron nun dito) para dalhin kami sa Compostela para doon kumuha ng transpo pabalik ng city. Tinulungan kami ni kuyang tuktuk driver na makakuha ng transpo. Swerteng may dumating na taxi na naghatid ng pasahero from Davao City Airport to Compostela
kaya dali-dali niya kaming kinuha ng spot sa taxi dahil may mga barker din na naghahanap ng isasakay sa taxi (fx). We ended up with five passengers tapos 200 petot per person (Sabi ni kuya fx taxi driver, 2k yung binayad nung pasahero para ihatid siya sa ComVal).
Pearl Farm - We were expecting na kaunti lang yung mga magche-check-in sa resort dahil may kamahalan siya pero nalaman namin sa staff na 100 guests (approx) kami nung weekend (sat-sun).
We were initially booked for fri-sat but we managed to get it rebooked to sat-sun (buffet kasi pag weekend
). Anyway, hindi naman namin naramdaman yung 100 guests habang ine-explore yung resort. Saka lang siya naging evident nung oras na ng kain
Nalungkot lang kami nung breakfast kasi air-fried yung bacon.
PEOPLE - Dito ako pinaka bilib. Hindi ko alam kung ano ang meron sa Davao pero parang ang bait, honest at matulungin lahat ng tao. I'm not talking about hotel / restaurant staff kasi siyempre they are trained and paid to act a certain way pero I'm sure natural din sa kanila na mabait.
Siguro ako lang pero I'm inherently cautious and suspicious at times when dealing with strangers pero wala akong naramdaman o naranasang ganun sa mga nakasalamuha namin. Based on experience kasi, kapag nalaman ng kausap mo na turista ka ay nandun yung feeling at moments na iniisahan ka or mararamdaman mong mailap sila sa iyo. Sa Davao iba naman, nung nalaman nila na hindi kami taga roon ay they went out of their way to help us. Naaaliw din kami kasi pag nagtatagalog yung mga kinakausap namin, bibiruin pa niya yung mga kasama niya na "Ano pre? Ok ba tagalog ko? Tama ba?". Biro nga namin ni kumander sa isa't isa, "Dapat ata Davao ang "City of Smiles" kasi hindi namin naramdaman / nakita yun sa Bacolod". No offense sa mga taga Bacolod.
Pasensya na kung mahaba. Share lang.