Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

SMART Postpaid Plan Help

Status
Not open for further replies.

Bhewar

Apprentice
Advanced Member
Messages
68
Reaction score
0
Points
26
ano bang mangyayari sa phone ko na kinuha ko sa smart postpaid plan pag hindi ko na tinuloy yung bayad ma block ba cp ko or hindi?

sobrang badtrip na ako sa smart eh so gagantihan ko na sila 3 months ng may prob net ko ayaw nila ayusin 3 months na rin ako tawag ng tawag sa kanila wala silang action na ginagawa.

ma apektohan kaya nito current job ko kasi COE ng binigay ko at company ID binigay ko nong nag apply ako baka kasi sabhin nilasa comnpany na pinapasukan ko hindi ko na binabayaran ung bills ko sa kanila.
 
Last edited:
up po........
 
Hindi malayong mangyari ang kinatatakutan mo. Yung laging may tumatawag sayo na collections company dahil sa unpaid balances mo. So since meron sila ng company info, may chances talaga na dun sila tumawag at mangulit. Kasama na doon ang kahihiyan na matatanggap mo once na malaman nila na may tinakbuhan kang responsibilidad.

Hindi naman kaya ikaw, o ang area mo ang may problema?

Ang hindi magandang serbisyo ay hindi dahilan para takbuhan mo ang iyong responsibilidad na magbayad. Pwede mo yan ireklamo AT mayroon naman dispute claims para ma-reimburse (through cash / telco credits) yung abalang naranasan mo. Also, FYI, may CISA (Credit Information System Act) na po ngayon at lahat ng mga utilities provider (electric, water, telco), at pati na banking companies (banks, credit card companies) ay required na magpasa ng mga impormasyon para magabayan ang iba pang institusyon para sa mga customers / subscribers na tulad mo na may mga negative credit reputations. Siguradong mas mahihirapan ka na mag-apply ng mga accounts sa mga providers na dumi-depende sa credit reputation mo na galing sa central database.

Wala man silang direktang magagawa sayo (di ka nila maipapakulong), pero siguradong liliit ang mundong gagalawan mo dahil asahan mong blacklisted ka na sa pag-aapply ng mga new accounts. Idagdag mo pa nga dito ang kahihiyan na malaman ng tao na may utang kang tinatakbuhan.
 
true sinabi ni kuya and blocked din yang iPhone mu kaya useless din takbuhan mu responsibilidad mu sa telco nakasaad na yan sa contract kung binasa mu either na malakas or mahina or may topak ang connection kailangan mu mag adjust serbisyo na pinoprovide nila nonsense nga eh hahaha
 
Last edited:
true sinabi ni kuya and blocked din yang iPhone mu kaya useless din takbuhan mu responsibilidad mu sa telco nakasaad na yan sa contract kung binasa mu either na malakas or mahina or may topak ang connection kailangan mu mag adjust serbisyo na pinoprovide nila nonsense nga eh hahaha

android ung binili ko, and then yung landline yung prob sira na ung mismong unit 3months na. tumawag ako hindi daw nila rerebate kasi wala namn daw akong naka file na reklamo almost 3 months ako tawag ng tawag tapos wala pala silang pina file na rebate kalokohan tapos sa request ko ng change unit naka indicate na wala namn daw problema yung phone at ito pa ang pinaka malupit may pirma ko daw ung papers na hawak ng tech nila na naayos nadaw nila prob ko sino bang hindi mabwibwisit jan. well block na nila pero tingin ko wala na akong balak bayaran talga yan sa panget ng service nila.
 
Di mo ba pwede soli? Kung ako babayaran ko na lang. Hirap makatulog pag ganyan may iniisip.
 
hindi na pwede eh. request ko nga na rebate nganga parin 3 months ko narin hinhintay yun
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom