Re: How to get a job in Call Center? [questions, opinions & experiences are
Hello mga ka-symb,
Share ko lang din ang experience ko sa pagaapply sa call center, sana makatulong. Nagamit ko po ang mga tips sa thread na ito para makapasa kaya nagbabalik lang po. Salamat.
Hindi naman kailangan expert ka sa English. Napaka-diverse ng mga naging katrabaho ko dati sa call center. From dating tambay, dating sales lady to negosyante na bored lang sa bahay, haha. Kaya nga naisip ko sayang if mabibigyan lang ng chance ang karamihan sa mga jobless sa Pinas. Minsan swertihan lang talaga. Kapag kailangan na talaga nila mapuno yung quota ay kahit sinong applicant ang nagkataong naunang magapply nung araw na yon ay tatanggapin na nila, basta may basic English skills. Kaya wag mawalan ng pagasa if makailang rejection.
Preparation. Confidence. Luck. Yan ang kailangan.“Luck Is What Happens When Preparation Meets Opportunity."
Noong una kong apply wala talaga akong alam kahit meaning ng BPO (Business Process Outsourcing), walang handang sagot sa "Introduce yourself", at sobrang kinabahan! Akala ko I can wing it since okay naman ako magsulat in English, pero iba talaga pag speaking. Nagstustutter nga daw ako dahil sa sobrang kaba at di ko alam isasagot sa "What is your idea of a call center/bpo?".
Practical tips to pass the Call Center Interview
1. Magresearch at ipunin ang mga common interview questions and answers sa internet. Tapos i-tweak or i-personalize mo yung mga sagot base sa background mo, employment history at course mo. Madami kayong makikita sa google. If di ka sure sa grammar mo, gumamit ng grammar checker sa internet o ipacheck sa kakilala na call center agent/kahit sinong magaling mag-English. The more questions, the better. Hindi mo sila kailangan i-memorize lahat pero at least may mga keywords ka na pwedeng hugutin kapag related sa tanong. Madami kang bala lalo na pag kakaiba yung mga tanong like "How would you teach a 5-year-old to tie his shoelaces?" or "How do you instruct a 60-year-old to make an email account?"
2. I-memorize ng mabuti yung mga sobrang common na questions at mga answers pero dapat kaya mo ding i-modify base sa pagkakatanong sayo at sa flow ng interview.
-Introduce yourself
-What do you know about call center/bpo industry?
-Why did you leave your last job?
-How do you provide excellent customer service?
-Where do you see yourself five years from now?
-Why do you want to work here? greatest strength/weakness?
-Why apply in the bpo/call center industry, why not in the<insert course mo nung college> industry?<-matatanong to if malayo ang course mo
-Do you have any questions for me? (if may tanong ka sa interviewer tungkol sa trabaho na yon) If wala ka talaga maisip or nadrain ka na sabihin mo na lang I can't think of any right now kesa mali pa grammar ng maitanong mo.
3. Magpractice ng job interview magisa. Or if may kasama ka syempre kunware ikaw yung applicant. If possible, magpractice with a call center agent or taong magaling mag-English na kakilala mo para macorrect ka nya. I-google kung hindi alam ang pronunciation.
4. Magapply muna sa company na di mo masyadong type/feel. Para if ever mareject ka ay okay lang, at least may natutunan ka. Alam mo na kung paano ang process ng interview/hiring. If malakas ang loob mo itanong mo sa interviewer kung ano mga pagkakamali mo at dapat mo iimprove. Basta tandaan mo lang yung mga tinanong sayo at isulat mo sa papel, tapos formulate ka ng maayos na sagot tulad sa # 1. Para sa next interview if maencounter mo na naman yung question, ok na flow ng pagsagot mo.
5. Huwag pagsabaysabayin ang pagaapply sa 1 araw. Pag nareject ka ng 1 company, uwi ka muna. Tapos gawin yung # 4. tandaan mo yung mga tinanong sayo at isulat mo sa papel, tapos ayusin ang sagot.
6. Fake it 'til you make it! Smile. Minsan talaga nadadaan lang sa confidence. Huwag ipahalata na kabado ka. Mahirap pero kailangan. Sumigaw muna sa labas or magjumping jacks sa CR para marelease ang tension.
7. Wag feeling close sa interviewer. Nagtatawanan kayo? Hindi ibig sabihin na mabait at friendly ang interviewer ay ipapasa ka na niya. Okay lang magbiro pero wag feeling close para wag ka mawala sa focus. Basta pag nagsasalita ka isipin mo if tama sinasagot mo.
16. Pray. Na if para sayo, if makabubuti sayo ang work na yon ay matanggap ka. Try and try until you succeed. Pag ayaw talaga, reasses mo muna ang mga options mo. Baka para sa ibang field ka talaga.
Napansin ko habang nagtatype nito na sumobra na ang haba ng tips ko, hahaha, kaya
(removed blog advertisement) ko na lang nilagay yung complete list. Pero ito na yung pinaka-basic base sa experience ko.
Kung kailangan niyo ng tulong, message niyo lang ako. Resigned na ako ngayon kaya wag kayo magalala, hindi ko kayo irerefer or kung anuman, haha. Reason for resignation: ipupursue na ang work sa field/college course ko. Gusto ko lang po makatulong sa mga kagaya ko noon.
Thank you for reading. Good luck and God bless!
Source: former jobless who became a call center agent