@ lexterflores
Sayo din po. Meron nga po ako natutunan po e sa isinulat mo po na di ko alam na ganun pala yun.
Ikaw po nagsabing na sobrang science masama. Pakibasa po ung nireplyan ko para hindi ka malito. kaya nga naka quote na po ung reply ko eh. And yes we don't believe in evolution. Pero if creation po eh Siyempre meron malaking kinalaman ang Diyos po jan.
Nagkamali nga po ako. Sorry po. Yung construction po kase ng sentence mo po ay nagkamali po ako ng interpret ko.
Ah... e how about evolution interrelated to creationism po? Naniniwala ka po na meron kilalaman si God po?
So ang ibig mong sabihin eh meron karin sariling description ng pagiging mag-asawa. OK kung ganun eh wala na ko masasabi jan. Pede tatlo pede kahit ilan?
Kc siguradong pede lahat sa inyo basta gusto niyo. Baka nga po talaga iba diyos niyo.
Hahaha --- d ko nga po alam kung papaano edefine ang mag asawa. Kaw lang po kaya ang nagbigay palaisipan na kapag ang dalawa babae na magkasama sa iisa bubong ay masama dahil ang pag set up nito is bilang mag asawa, kaya na confuse po ako kung ano po ba definition ng mag asawa po. Yun ba yung dalawa tao na nakatira sa iisa bubong po? Yun ba yun? Hahaha --- e kase po, kahit friends lang po sila and they decide not to get married to a man at naisipan na magkaroon ng companionship ng pangmatagalan po at tumira sa iisa bubong kahit same woman po ay maituturing pa rin na mag asawa sila. If kung ganun ang interpretation malamang ay kasalanan ito sa mata ng Dyos---no questions ask po, e gusto lang paboran lang ang lalake at babae sa iisa bubong.
Kaya nga itinatanong ko po kung ano definition ng asawa po.
Baket mo ba pinipilit na mandatory manganak ang babae? Kung ayaw ng babae mag-asawa nasa kanya un. Kung ayaw niya magka-anak desisyon niya un. Although yung ibang babae eh gusto nga mag-anak eh. At ung mga babaeng ganun eh wiling i-risk ung buhay nila during panganganak just to give birth and bring a new life in this world. Kung ayaw mo walang pilitan. may mga Prophet din na babaeng hindi nag-asawa sa Bible at itinuon ang buhay nila sa Diyos.
Hinde ko po pinipilit po dahil sabi mo nga ang isa utos po ni God ay "humayo kayo at magparami" so kung sinasabi mo po na di mandatory ang law ni God patungkol sa ganyan po, so laws can be broken pala po na disisyon ng babae na ayaw mag asawa at ayaw magkaroon ng anak, e bakit naging kasalanan o bawal ang dalawa babae na ayaw mag asawa ng lalake at ayaw magkaroon ng anak na magsama sa iisa bubong kung laws can be broken lang pala po? Pwede po pala warakin ang batas na "humayo kayo at magparami" pala po e.
O diba po? The laws can be broken po pala e.
So no question ask na rin po, malaya po ako maghanap ng girl friend po na titira sa iisa bubong na same kami na di nag asawa ng lalake po.
Yiheey! O-ha?!! Hep-hep... walang bawian na yan a, hahahaha. The rules can be broken pala. Wahahaha.
Uulitin ko lang po. Kung ang turingan niyo na po eh bilang mag-asawa eh masama na po yun. Simple lang. kahit nga magkalayo at hindi isang bahay pede sa mag-asawa eh. Kung anu man po yung setup nila eh sila na makakasagot niyan sa sarile nila kung anong turingan meron sila. Baka kc iba rin sila ng pinaniniwalaan sa extent ng pagiging magkaibigan eh.
Yun nga po ang tinanong ko po kanina kung papaano ba ededefine ang mag asawa po. Kapag sinabi ko po na gusto ko magkaroon ng girl friend po at tumira sa iisa bubong na kami po dalawa --- girl friend na ibig po sabihin kaibigan na babae po na titira sa iisa bubong o magkasama sa iisa bubong na panghabang buhay po na liteally kami po dalawa lang as in --- so ano tingin mo sa amin kung nagkaganun po? Mag asawa po o ano? Talaga lang po. Papaano ededefine ang mag asawa po?
Hindi naman ako magtataka if magduda ka eh. Tsaka wala pong pilitan dito. Maniwala ka o hindi eh wala akong magagawa. Patunayan mo na lang Lalake ang Diyos. kasi yan pinaniniwalaan mo eh. Kung magtagumpay ka eh di ok, sigurado ka nang niloloko kita. Pero kung sasabihin mo lang na ay hindi na need kasi sure ka na lalake ang Diyos eh ikaw lang nagsabi nun. baka naman sarile mo na niloloko mo at pinaniniwala mo sa mga bagay na hindi makakatotohanan.
Okay po.
Naniniwala ako na lalake po ang God dahil kung hinde talaga po lalake si God, bakit kapag nagdadasal ang tao at sa mismo nakalagay sa bible ay lahat puros masculine pronoun ang ginagamit po doon?
He, his, god the father, god the son po.
Ito pa, lahat ng characteristic po patungkol sa batas ng tao is lalake din po siya.
Una po, adam at eve - una ginawa si adam (lalake po siya) na kawangis ni God.
Pangalawa, si adam (lalake po siya) ang meron authority kay eve (ang babae na kailangan magpasakop sa lalake po)
Pangatlo, ang utos ay magparami ng anak (which is kailangan ng lalake po) - ung logic po kase ay lalake at babae ay bubuo ng anak then the same process hanggang dumami po.
Pang apat, meron utos din doon na pahalagan ang virginity ng babae sa una husband (which is nakakabenefit lalake din po para kung sino ang ka sex ng babae po ay sa husband lang po at wala na po iba - kung baga proof na lalake po ang may ari)
Pang lima po---haba po e. Dami po.
Mapapatunayan ko po, yun lang, wag na po dito.
Ikaw po ang may pinoportray sa isip mong diyos, sayo na nanggaling yan. Pero wala akong sinabing may pinoportray ako sa isip ko rin. Ang kilala kong Diyos eh yung sa Bible. Kung sino Siya sa Bible, Siya yun walang labis walang kulang. Hindi po ako nagjujudge, sinasabi ko lang po ung mga masama at hindi nakakalugod sa paningin ng Diyos. eh dahil po ayaw niyo basahin ung Bible eh so sinasagot ko lang po as per Bible. Kahit po sinasabi niyo may relation kayo sa Kanya.
Wala ka nga po sinabi kung ano pinoportray mo God pero basi sa paniniwala mo in bible ay yun na yung image o yung concept o pinoportray mo totoo God sa isip mo as in po.
Sinabi ko bang ikaw ay lesbian o third sex? Nagexample lang ako. Pero hindi ko sinabing ganun ka. Eh ikaw nga hindi sigurado eh mas lalong hindi ko po alam. Kung may kakayahan kang manganak eh babae ka as per Bible.
Gaya nga po ng sabi ko mas kilala ka ng Diyos higit pa sa pagkakakilala mo iyong sarile.
Ah. kaya nga tinanong po kita kanina kung ako po ba ang itinutukoy mo o nilalahat mo na po. So general example mo lang pala po yun. E kase feel ko though im not sure na di ka diretsihan sabihin na ako nga po ang itinutukoy mo. Dinadaan-daan mo lang po sa example--ganun po para not directly na ako nga po ang itinutukoy mo.
Imagine mo po kase, ako lang naman nagsalita dito po na gusto ko piliin ang babae po at ayaw ko ng lalake pero naniniwala po ako kay God. Nag general example ka po na "Lahat ng nasa third sex kung tawagin eh naniniwala silang may Diyos." so kung ako ang hinde mo tinutukoy, okay po pero it seems po kase na nagbibigay ka lang ng indirect approach para masabi na di ako yun.
Okay lang kung di ako yun. Sabi mo nga po.
So ang gusto niyo po eh mabago ang paningin ng lahat ng tao sa pananamit ng babae? Pede yan kung walang devil na nangiinfluence ng ibang tao to feel lust of the flesh. Kaso hanggang nasa mundo tayo meron influence ang devil dito. Kaya need magingat ng mga babae sa pananamit nila. Inuulit ko po hindi kasalanan ng babae ah, ang may kasalanan yung nag-iisip ng masama at mangrape na inpluwensiyahan ng demonyo. Kaya hindi lang po basta tao lang ang iniiwasan ng mga babae dito.
Haha. Inamin mo na nga po na kami po ang nagpapa influence kaya nga kami po ang biniblame po. Kasalanan ang nag iisip po pero kami po ang dahilan po.
Hinde naman po mababago ang sitwasyon at tinatanggap ko pero di po ibig sabihin na tinatanggap ko po ay magpapartisipasyon na po ako. Kaya nga mas mabuti-buti pa nga po ang babae kaysa sa lalake (yun ang para sa kin po ha based on how i judge people po kung pano po magbehave ang tao sa women po) dahil d po kami devil's influence sa same namin kauri na women kaysa sa opposite gender ay kami pa po ang devil's influence po kaya karamihan po pero d lahat ay kami po ang biniblame po at ang resulta, karamihan na gusto po namin gawin po ay restricted po. Yun na po ang pag iingat.
Yung ilan sa men po, di po ba, maliligtas na po ang men sa society at wala na po magpapa influence ng kademonyohan po nila dahil po sa amin women at bagkus, di pa sila makaka commit ng paggagahasa at krimen dahil sa women po kung wala po kami. Yun nga lang po, di nga lang kami magpapasakop at magpapakontrol sa lalake nga lang po diba?
Mas mabuti na yun.
So i think un din ang another benefit din po sa amin ilan women na (yung iba lang naman) na kung saan mas mabuti na di kami dumikit sa lalake o mas mabuti na lang na wag na lang magpasakop sa lalake para di na kami ang dahilan pagka influence ng kademonyohan ng lalake po.
Ganun lang ka simple po dahil kapag kami-kami lang babae, mas malaya laya po kami. I remember sa girls exclusive school, kapag di naka uniporme, we can wear anything we want po. Di na kami magwoworry po pagdating sa lalake.
Isa pa, ang alam ko lang po (gawin ko lang po short) is gawin lang ang skin ng women at sex na positive perspective (tamad mag explain po, yoko ng mahaba) and naniniwala po na ang influence is not devil anymore at isa pa po, mawawala po ang rape galing lalake po. Siguro magtataka po na kung bakit... E.. masyado po mahaba kaya di na kailangan ipaliwanag po.
Wala rin po akong sinabing magpakasal ka sa kapwa mo babae. And sabi ko po eh turingan niyo eh if bilang mag-asawa na. Kasi hindi pa naman pinapayagan sa pilipinas ang same sex marriage eh. Wag pong masyadong assuming. Sinasabi ko lang po yung pinaniwalaan ko as per Bible. Tsaka nga po kasi hindi ko rin po alam if ano ang extent ng pagiging mag-asawa at magkaibigan base po sa diyos sumolpot sa mind niyo eh. So basically ikaw lang po nakakaalam niyan. Kung sinasabi ng diyos mo sa isip mo na hindi masama eh nasa iyo yan. Choice mo na po yan. So kung ganun po eh hindi na po importante kung ano sasabihin ng ibang taong nasa paligid mo. lalo na po ung mga sagot dito sa tanong mo. They're basically useless na para sa iyo.
Gusto ko lang po maging tapat sa puso na kasing lalim ng dagat, kasing lalim ng ocean, kasing taas ng universe----at marami diyan kataas-taasan, wahahaha---
seryoso na po---
nagtatanong po ako para makakuha ang sagot at ang sagot po ay siya ko kukunin para maging gabay ko paglabas ko po ng outside world po (lalim ng outside world a)---nakakulong po kase ako pagkatapos naabutan ng quarantine plus meron pa ako kasama dito na di ko po ka vibes---
ang iniingatan ko po ay ang reputasyon ko dahil nakikinig po ako minsan sa sabi-sabi ng iba po kung ano mabuti at masama po. Tinatamad po ako minsan makipagsapalaran at makipaglaban kung ano po ang akin po kaya kung ano majority na pabor sa mga tao, naisipan ko sakyan na lang po--kung baga po disguise(2x) lang po muna po.
Halimbawa po.
Yung una. Nagtanong po talaga ako na kung babae po ba ako o lesbian po ako dahil nga po sa katagang "Tandaan: Ang iyong pisikal na katawan ang magsasabi parin kung anong kasarian mo at yan ang kalooban ng Kataastaasang Diyos na may Likha sa bawat nilalang." --- kung majority ng mga tao ay tingin po sa akin ay lesbian, yayakapin ko po siya as in na kasing yakap ng unan po (majority wins po kase, yun ang iniisip ng tao po kase) so di ko na po kasalanan yun kung bakit ako ay lesbian dahil ang turo na maging lesbian ako ay mga tao po---joke lang po---hahahaha
okay po, hahaha, biro lang po yun, hahaha, kung yun ang tingin ng tao po sa akin ay lesbian po, ang ibig po sabihin is INBORN na pala po sa akin ang pagiging lesbian ko dahil iba yung gusto ko mangyari sa akin at iba ang gusto ko mangyari sa magiging partner ko at marami iba pa at yung characteristic ko kase is male talaga dahil only male lang po ang pipili ng babae po. E simula sapul pa, ayaw ko ng lalake although yung una po, naaattract po ako pero something meron kulang na natagpuan ko lang po sa babae po, una po kase meron na po kase ako hinahanap na matatagpuan ko lang pala sa babae po.
Ang una perception po kase ng mga tao is basta babae ang ipinili ay automatic lesbian o lalake ang isa tao po. Ang ibig sabihin inborn na pala po sa akin ang pagiging lesbianism sa akin dahil yun ang standard perception ng mga tao na kapag meron masculine characteristic ang isa tao ay automatic, yun na po ang iisipin nila na lesbian ang babae, kaya po ako nagtatanong po dahil yun po ang based on beliefs nila po, yung nararamdaman ng kanila heart po ang binabasehan ko kung ano po ako.
Ngayon kapag majority ng mga tao is sinabi sa akin na tunay na babae pa rin po ako kahit pinili ko ay babae na makasama ko forever po kahit meron po ako physical na katawan po na babae, choice ko na po maging lesbian po kapag ipinili ko po maging lesbian kung babae naman po talaga ako.
Hahahahaha.
...kaya ako tanong ng tanong po, haha.
Imagine po, meron po ako kasama na babae sa iisa bubong at pagkalabas ko, i feel that i am a wondrous and beautiful woman na feel na feel na i am a woman, e bigla ako tirain na "oh gosh, nagsasama po kayo sa iisa bubong, you will go to hell, you are a lesbian"
...so mapapaisip ako na "i was born a woman but i have this male character na woman lang ang pipiliin"-sabay tingin sa katawan ko then bigla, "i think inborn sa akin ang pagiging lesbian ko, wrong body lang ako"... Oha?
Meron pong sigurado sa hinaharap ng bawat tao. yan po ang kamatayan. di niyo po nakita ung future?
God Bless.
Hinde ko po nakikita ang future ko po dahil wala po ako karapatan ejudge ang sarili kung saan ako mapupunta na kung hell o heaven. Di ko nga ma judge kung mapupunta ang tao sa hell o heaven po, ako pa kaya? At saka karamihan sa mga tao lagi na woworry sa future ay yung mga tao na mataas ang anxiety po.
Tulad ng mom ko. Taas ng anxiety po niya at ang fear niya simula nalaman po na bakla ang pinsan namin po sa abroad. Ayaw ko naman po ang ganun. Ang alam ko po is di na po healthy sa well being kapag ganun po. Siyempre, automatic kapag bakla, una papasok sa isip is "kasalanan at mapupunta sa hell" ... Just imagine di makatulog at isip ng isip sa kakaisip kung saan mapupunta ang tao bakla na kung hell o heaven pa imbis intindihin na lang po kung ano ang present moment po.