Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

tips para makuha atensyon niya sa FACEBOOK ! mga pakipot lang

bakabaka123

Recruit
Basic Member
Messages
18
Reaction score
0
Points
16
TIPS para makuha mo ang atensyon niya sa Facebook!

1. Kung di kayo friends, at nakapublic yung information niya, tingnan mo muna yung ABOUTS niya bago mo i add!! Wag kang harot na bigla kang mag aadd kasi baka nag iipon lang yan ng followers . Tingnan mo muna kung saan siya interesado, anong hilig niya, anong hobbies, at yung attitude niya malalaman mo sa way niya mag comment. Alam mo kung bakit kelangan mo ng information? Kasi kelangan alam mo kung saanga bagay siya interesado para pag nag chat kayo, eh di soya mabobored!!
Kung naka private ang account niya, baliwalain mo na lang ang number 1 at sundin ang number 2 !!!!!!

2. I-chat mo siya ! walang mangyayare kung di mo ichachat. Magtanong ka kunyare kung paano laruin yung game na nilalaro niya,(syempre kunyare di mo alam). O kaya, magtanong ka ng iba na sa tingin mo interested siya. Kung hindi mo alam kung saan siya interested, Mag "hi" ka na lang maharot ka. Pero kalimitan sa mga nag HI o HELLO na seseenzoned o hindi na binabasa, maliban na lang kung Pogi ka o Maganda ka, o sadyang SNOB lang siya o taken na kaya ingat ka. Skireto lang dyan kelangan masaya ka kausap at entertaining !!
Tanungin mo siya tungkol sa mga pinagkalaabalahan nya not in a direct way kasi halata!!! Ang paraan dyan: Indirect ang pagsasabi mo na kung saan macucurious siya at magtatanungan kau at yun, malalaman mo na!

3. Wag ka laging chat ng chat !! nakakailang yun! Yung ichchat mo kanina 5 hours ago tas ichachat mo ulet ngayon nung nag online ulet siya? wag, baka mairita lang yun sayo at mamatay ka kakadedma sayo. Tama na yung paminsan minsan muna kasi hindi pa kayo magkakilala kasi mapaghahalataan ka!!

4. Syempre gawain ng mga pakipot ngayon, i ffloodlikes yung pictures niya, wag mong itry yun, kasi halatang halata ka na interesado ka sa kanya, tama na muna yung latest profile pic niya ang ilike mo. Saka mo ma siya iflood kapag close na kayo, lalo na kapag madame siyang likers-kasi kung minsan kalang maglilike sa profile pics niya, ikaw ung matatandaan ka niya

5. Kelang syempre nakakatawa at masaya kang kausap. May sense of humor. Okay lang minsan paramg tanga sa chat kasi yan ang masaya kausap. Wag ka lang mapipick up lines kasi baka malay mo, luma na pala at matagal na niyang alam yun pero akala mo bago kaya binanat sa kanya. Mapapahiya ka lang !!!!

6. Kung tapos na kayo sa stage ng kilanlan sa bawat isa, ayain mo sa online game para hindi ka puro chat, syempre dyan mas titibay ang closeness nio. Mas effective kung mga Dota type ,LOL, etc mababae man yan .. Kung wala kayong alam na game, maglaro nalang kayo ng farmville sa facebook kingina ka!
Pag kasi may nilalaro kayo, pwede nio yan mapag usapan at dun magiging close kayo ;)

7. Sa stage nato, i like mo lang ung mga status niya, wag ka lang lagi magcocomment kasi baka mailang siya. Tama lang yung sakto lang. Kung marunong ka sa arts, upload mo lang para maimpress siya, syempre idorwing mo ung favorte character niya. Kung di ka marunong magdrowing, magtugtog ka ng instruments! kung hindi pa rin , isip ka ng pwede mong istatus na makakarelate siya. Tandaan mo, para sa kanya yung post mo . At tuwang tuwa ka pag ni like niya yun . pramis!

8. Kung lagi siyang online, lalo na sa gabi, sa bandang 11:00 pm - 1:00 am, dyan ang pinakamagandang time para magstatus kasi hindi na matatabunan ng post ng mga pabebeng kabataan ni marcelo santos ang yong pinost. Madali niya yuj makikita

9. Pag may problema ka o depress o may pinagdadaanan, maglabas ka lang ng sama ng loob sa kanya, ilabas mo wag mo kimkimin. Hayaan mong malaman niya ang storya mo, at sa time na maglabas ka sa kanya ng sama ng loob mo, marerealize niyang importante siya at pinagkakatiwalaan mo siya. Syempre tiba tiba ka pag kinomfort ka niya, iba ang level ng usapan pag ganyan, kumbaga heart to heart talk pero hindi kayo. At malay mo, next time, siya naman ang mag open syo

10. Kung sa mga nabanggit ko eh hindi ka makarelate, eto na lang gawin mo, diretsuhan mo na , ligawan mo na agad agad o magtapat ka na crush mo siya . 50% basted ka , maseenzoned ka pa!
 
Last edited:
Back
Top Bottom