Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story Ang Paghahanap kay Cali

Chapter 1: Limang Segundo

Ballpen, notebook at utak. Yan lang ang sandata ko noong pinasok ko ang magulong mundo ng kolehiyo. Sa unang taon magsisimula ka sa umpisa, sa pagkilala ng kaibigan, guro at sa pag-asang makikilala din ang Eba na makakasama mo kasabay ng mga hayop sa paligid ng gubat na ito. Oo, isang masukal at magulong gubat ang kolehiyo, sa pasilyo makikita mo ang mga unggoy na nakatambay at kung maka-tingin ay parang may bitbit kang saging. Sa isang lugar ay nandoon ang mga Tigre na naghihintay lang ng kanilang mabibiktima ng kanilang matatalas na pangil, naghihintay na pumasok sa mga hawla upang kumain....teka masyado na akong nakatitig sa Faculty kailangan ko nang umalis. Sa loob ng gubat na ito ay ang munting paraiso na kung saan andoon ang mga kapwa ko unggoy, maiingay at magulo.

"Good morning class!" Nakakasawa at nakakabinging bati ng aming guro, na ang edad ay sa palagay ko'y kwarenta na. Maiksi ang paldang suot na lumagpas lang konti sa tuhod, seksi pa ang pangangatawan ngunit makikita mong may isa o dalawa nang anak, medyo may dating na suplada ngunit mabait naman at ang nakakaagaw ng pansin ay ang kanyang mapupulang labi na bagay naman sa kutis niyang maputi.

"Good morning din po, Miss Kat." mahina at matamlay kong bati.

Hindi pa ako handang pumasok ngayon dahil hindi ko pa lubusang naramdaman ang ilang buwang bakasyon. Gusto ko pang matulog, matulog at matulog.

Sa kabilang banda ay masaya ako't andito ako nakaupo sa isang silid na sakto lang sa lamig, sakto ang ingay at nasa tabi ako ng salaming dibisyon na tinted ngunit may sinirang bahagi nito na naging butas na parang maliit na bintana. Napapasandal ako habang nakatingin sa labas na para bang bata na hindi pinayagan ng kanyang nanay na maglaro.

"Mr. Lee, you're next!"

Bigla akong napatayo at tumalsik ang ballpen at notebook ko sa sahig pati ang puso ko sa gulat.

"Ma--ma'am?" nauutal kong tugon.

"You're next, pakilala mo ang sarili mo. Punta ka dito sa harap." nakangiting pakiusap ni Miss Kat.

Nakakabagot at nakakatamad ang gawaing ito. Sasabihin mo lang naman ang buong pangalan mo, edad, at kung saan ka nakatira. Kulang na lang pirma at sabay hulog sa dropbox sa cafeteria ni Aling Kusing.

Hinahawi ng kamay ko ang buhok kung magulo, ngumiti at sabay sabing,"Hi! Ako nga pala si Marqus Lee, 18". Kokonti lang mga estudyante sa harap ko at ang iba'y tulala rin na para bang hinugot lang sa kanilang kama para pumasok.

"Salamat, at ika'y makakaupo na." isang nakakapanatag na sa salita ang sa aki'y nagbalik sa lungga.

Bumalik sa dating pagkakapwesto, tulala sa labas at ang diwa'y nagliliwaliw at nagbibilang pa ng tupa. Nang biglang may mukhang tumambad sa aking pagkakadungaw.

Mabibilog ang mga mata, maamong mukha, sa isang iglap ay ninakaw ang puso kong matagal nang babad sa dugong hindi umaagos. Nagkatitigan kami ng mga limang segundo, sa limang segundo na yun tumigil ang mundo ko. Sa limang segundo, gumalaw ang ugat na muling nagpadaloy ng dugo ko.

"Cali." ang tanging nasambit ng aking bibig at mga labing nakangiti habang tinititigan siyang naglalakad palayo. Tanging ang pangalang Cali ang alam ko sa kanya na nakasulat sa gilid ng bitbit ng libro. Agad kong sinulat ang pangalan niya sa notebook kong dala, at gusto ko siyang makilala.


:)
 
Back
Top Bottom