Naku, kung tulad lang nung early 2000s, baka nagdidistro hopping pa rin ako ngayon. Lumulubo na mga size ng distro ngayon. Di tulad dati CD lang. May sobra pa sa ibang mga lightweight distros. Naalala ko tuloy DSL (DamnSmallLinux). Sa size na 50MB kumpleto na. Wala na nga lang update sa ngayon. Bale tatay to ng TinyCore ngayon.
Ubuntu alone o yung default nya ay di ko rin gusto. Actually, may collection ako ng original CDs from 5.x to 9.x via ShipIt nun. May Ubuntu, Edubuntu, Kubuntu at may Xubuntu pa nga ata yun. Wala pang Lubuntu at ibang flavors like ginagamit kong Budgie. Never kong ininstall mga 'to for may desktop except Budgie flavor. Out of curiosity sa desktop environment na Budgie, sinubukan ko at nagustuhan ko. At hindi ko na nga pinalitan. Also, maybe because of being a debian based distro at userbase nya. The reason also why I chose ubuntu based Puppy (XenialPup64) over slacko. Another one, sa Top 10 ng distrowatch may mga Ubuntu based like Mint, Elementary, Zorin and Pop!. Pabor sa akin dahil madali ako makakuha ng app para/package sa ginagamit kong MicroCore/Tinycore pag nag eexplore ako.
Try mo Ubuntu or its derivatives, madali makakuha ng package at sagot sa tanong
VLC ayaw ba for your H. 264 problem?
- - - Updated - - -
May nabalitaan ako lately about Canonical sa Ubuntu nila. Iniisip ko pa nga kung ano yun. Alam ko ibig mong sabihin
Basta for users who want to try but avoiding something sa Ubuntu, use its community based distribution.
May Yahoo and Yehey na nun
Na weirduhan din ako sa installation via network. Dinemo lang sa amin nung nagwowork pa ako sa learning center bilang lab facilitator. Nagamit ko lang Linux para magconnect sa Internet then telnet at ftp manually. Proxy server gamit nya. Around 1998 o late 90s na. Kaya natanim sa isip ko nun, mahirap gamitin ang Linux pati installation. Around 2004 nabago 'to, nang nagpakita ng isang linux distro klasmeyt ko sa masters. Dun ako nagstart mag distro hopping. At sa DamnSmallLinux ako unang natuto.