- Messages
- 626
- Reaction score
- 4
- Points
- 28
Sa mga umaalma sa kampanya na yan. Alam nyo di naman mapaguusapan o magiging trending yan na dahilan para gawan ng butas ng mga kalaban kung di nila isinapubliko yung plano nila na yan. Pinasama lang ng media at ng mga kalaban nila ang dating sa mga tao kaya tuloy pangit o negative ang dating ng ilan sa mga nakakabalita. Dati namang may nabibiktima ng riding in tandem, pusher o adik DAW na sinasalvage na lang kung saan-saan, buti nga ngayon may karatula nang nakasabit alam mo agad kung bakit isinalvage hehe. Dati pang may mga vigilante na nagpapatumba ng mga kriminal. Ang problema nga ngayon sikat pa kasi si Duterte dahil bago pa lang siyang presidente at sa mga issue na kinasangkutan nya kaya ngayon tutok lahat ng mata ng mga tao lalo na ng mga kalaban nya sa kanya para gawan ng butas lahat ng kilos at galaw nya. Masyadong atat ang mga kalaban nya para mapababa agad siya bilang presidente at desperado na dahil malaking negosyo at kita ang mawawala sa kanila kung magtatagal pa siya sa pagkakaupo. Mas talamak pa nga noon ang mga nabibiktima ng pagpatay e lalo na yung mga sinasalvage, rape, kidnapping, carnapping at mga malalaking nakawan. Yung mga pinapatay karamihan na pusher o adik na sinasabitan ng karatula e malamang sa malamang pinatahimik ng mga kasamahan nila na utos galing sa mga nakatataas nila. Ok lang sana kung sa parte lang ng pusher may namamatay kaso may namamatay din sa hanay ng mga pulis at sundalo na tinupad at ginawa ang tungkulin nila pero wala ka man lang maririnig sa mga kalaban lalo na sa CHR na reaksyon. Ganyan ang iba sa mga pilipino, lahat pupunahin, pag walang mapuna kahit wala sa lugar pupunahin masabi lang na may pakinabang sila sa bansa pero sa totoo lang wala naman silang nagawang maganda.
Last edited: