- Messages
- 1,797
- Reaction score
- 3
- Points
- 28
Hello mga idol, gusto ko lang malaman kung dapat ba lahat ng posts mo e kung ano nararamdaman mo at kung anong nangyayari sa buhay mo? Ako kasi pag may nadaanan lang na magandang quotes, whether sad or motivational basta nagandahan ako pinopost ko to motivate or remind someone na may pinagdadaan. Madalas kasi namin pagtanunan ng gf ko to, naiinis ako kasi kahit hindi naman para samin yung qoutes inuugnay nya palagi sa buhay namin kahit masaya naman kami. Ang gusto ko lang naman mabasa yon ng kaibigan kong baka depressed ,masaya or kailangan ng reminder sa kung ano man pinagdadanan nila.