Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

LET Uniting

raikonnen29

The Fanatic
Advanced Member
Messages
414
Reaction score
0
Points
26
Hi guys, gusto ko lang sana humingi ng advice nyo. IT graduate ako 27yrs old, nagkaroon ako ng trabaho dito sa pilipinas pero di related sa course ko. Then nagtrabaho ako sa korea at kauuwi ko lng last year before xmas. Gusto ko na sana na dito na lang magtrabaho sa pilipinas. Oo malaki ang sweldo ko sa korea dati pero yung katawan ko na rin yung sumusuko na kahit sumesweldo ka ng ranging from 60k to 100k eh, pero walang day off yun, mostly 20hrs ako nagtatrabaho don. May ipon naman ako. Suportado ko yung mga magulang at kapatid ko hanggang ngayon. So naisip ko na kumuha ng units para makakuha ng LET. 18 units lang yon at isang sem lang ako papasok. Sabi ng PRC ay social studies daw ang magiging major ko which is yung subject kung saan ako magaling nung school days ko hehe. Para kasing nakakatamad na maghanap ng ibang trabaho dito, at di naman kasi nga ako ganon kainteresado sa IT field. Naiisip ko kasi na yung pang long term na trabaho na sana. Ayoko nung contractual. Ayoko din magtrabaho sa manila. Ayoko na din sana magabroad. Gusto ko marinig yung advice nyo kung itutuloy ko yung pagkuha ng units para sa LET. Hindi pa kasi ganon kabuo yung decision ko e hehe. Naguguluhan pa ko.
 
kung IT graduate ka po is dapat sa TLE major ka mapunta na exam. kasi naging issue po yan sa school namin na Computer major pero sa Social Studies ilalagay. nakipagcommunicate un Dean namin sa PRC para maayos po un. kasi malawak po SOCSTUD, may philippine and world history and geography, current events, mga lifestory ng mga heroes na hindi natin specialization.

kung dito ka po sa Philippines magstay, usually kukuha ka ng education units na need para sa major mo. alamin nyo po un Subjects na needed nyo kasi usually PROF ED (professional education) ang requirements and pwede ka po magpaadvise sa mga schools na need mo un units para sa LET. also, magreview center ka. marami kaming nakasabay na mga engineer na gusto ring magturo. aligned din sila sa TLE since TLE is andun un course natin na related sa ICT.

preferred namin na review center is MET Review Center. malapit lang din sa PRC and UE. pasado kaming mga magkaklase except sa 2 na palaabsent.

pag let passer ka na po, mag apply ka sa mga public schools kasi madami po talagang kailangan na teachers. nasa 20K+ un starting salary. pag university need mo muna makagain ng units sa masteral.

hopefully this will help.
 
Last edited:
Dito po ako quezon prov. Nagtanong na po ako sa PRC dito sa lucena at social studies po ang binigay nilang major sakin. May nabasa din ako na base din sa lugar mo o area kung ano magiging major mo so ayun social studies sakin
 
Dito po ako quezon prov. Nagtanong na po ako sa PRC dito sa lucena at social studies po ang binigay nilang major sakin. May nabasa din ako na base din sa lugar mo o area kung ano magiging major mo so ayun social studies sakin

kasi ang magiging siste nyan, un mga subjects na under ng social studies un ituturo mo instead na mga IT related subjects. nakaindicate kasi sa letter ng PRC na marereceive kapag LET passer ka na kung ano un percentage sa LET results mo. mahihirapan ka po nyan, pero kung hilig nyo naman po un history, buhay ng mga heroes natin, rizal's life, constitution or un may kinalaman sa sociology, gora ka na po

1 year ahead ka po sakin so halos iisa lang po un naging problem ng mga graduates namin last year sa specialization mo mam, kaso hindi ko po alam kung kanino ka makakahingi ng tulong regarding dyan sa problem mo. pero usually, si alma mater mo makakatulong sayo.

i am currently working as an admin and part time instructor sa alma mater ko so kahit paano updated ako sa mga lower years ng same course ko.
 
Hi Po

Gusto ko sanang humingi sa inyo kung pwede lang. Kailangan po ako ng TLE REVIEWER kung sino po ang miron, pwede po ba paki share.

Maraming salamat!
 
Hi Po

Gusto ko sanang humingi sa inyo kung pwede lang. Kailangan po ako ng TLE REVIEWER kung sino po ang miron, pwede po ba paki share.

Maraming salamat!

meron po ako from met review center and hindi ko na ginagamit. kaso kung soft copy un need mo, wala po ko nyan. another pa pala, 2013 pa un so sobrang madami un kulang na updates nun.
 
meron po ako from met review center and hindi ko na ginagamit. kaso kung soft copy un need mo, wala po ko nyan. another pa pala, 2013 pa un so sobrang madami un kulang na updates nun.


:( Thanks po, sana may soft copy, ang hirap talaga maka hanap ng TLE reviewer.

Maraming salamat po.
 
:( Thanks po, sana may soft copy, ang hirap talaga maka hanap ng TLE reviewer.

Maraming salamat po.
kung may kakilala ka po sa school nyo, un mga 1-2 years ahead lang sayo, better na dun ka manghiram. wala na silang gagawin dun lalo na kung passer na sila. may best friend from PNU mentioned to me na ang LET contents is nauulit every 2 years. samin kasi lahat ng nireview namin is lumabas sa exam except sa TLE. napakaimposible kasi na maaral mo lahat ng competencies na andun na may masonry, plumbing, carpentry, beauty care, home economics - baking, food trades, etc. lalo na at computer major ako. better to enroll sa review center na trusted ng school nyo
 
For you to survive on this career, I think you have to consider kung meron kang passion sa pagtuturo (just like other profession). Lahat ng trabaho merong hardships but if you possess strong passion and dedication in achieving your goal, madali mo lang ma-oovercome lahat ng challenges. Money is important thing but our daily enjoyment on chosen career matters most. We live only once in this life. Better to spend it without regret.:)
 
Last edited:
Kuha ka eh long term naman hanap mu hanggat my student my work ka pa rin unless nag retired kan hehe
 

Attachments

  • LET REVIEWER.zip
    2.5 MB · Views: 0
Back
Top Bottom