Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

TAMA BANG PINAALIS ANG MGA KANO SA PILIPINAS (subic & clark)?

Tama bang pinaalis ang mga kano sa pilipinas (subic & clark)?

  • oo

    Votes: 26 17.6%
  • hindi

    Votes: 122 82.4%

  • Total voters
    148
tsk tsk tsk! yung scarborough pala malapit yun dun sa SUBIC, e kung hindi pinaalis mga kano dun nun e di sana hindi nakapunta ang mga tsino dun? papunta palang sila, naharang na kagad sila. or hindi sana mangyayari lahat ng pangaangkin na ginagawa ng china na yan kung alam nilang andito pa ang mga kano. :ranting: nakakabadtrip talaga pag naiisip kong anytime pwede tayong mabura sa mapa! put the mother! :upset:



oo, malapit yan sa subic... actually malapit yan sa dating US navy base. kung sakaling andito pa sana ang mga kano eh di malamang sa nagdalawang isip ang china sa pambu-bully satin...haizzzz,



kasi naman, lumalakas talaga ang china sa ngayon, kahit ang US eh binabangga na


http://news.yahoo.com/china-military-warns-confrontation-over-seas-115145354.html



pano may back up sila na super power nation----russia


http://news.yahoo.com/china-russia-start-first-navy-drills-032739498.html


akalain mo un na daig pa tayo ng india na currently eh nag test fire ng long range missle...nuclear capable missle to...

http://news.yahoo.com/india-tests-long-range-nuclear-capable-missile-source-030617632.html


ehhh ang pinas?? wala, NGANGA na lang..


tapos kung ano2x pa ang pinag gagagawa natin sa US embassy, nakakahiya talaga tayong mga pinoy..



wala naman ibubuga pero napaka YABANG.
 
I personally think na hindi dapat pinaalis ang US troops sa Clark at Subic.
A country like us needs as much support as possible in all aspects of being a country - lalo na sa Economy, Peacekeeping esp sa mindanao, Waste management, intelligence, transportation and other stuff.

I don't get it why they did that back then when almost all we hear from Filipinos are corruption complaints.
 
Last edited:
If my history is right, Umalis po sila ng kusa kase nadetect nila earlier yung MT. Pinatubo Eruption beacause of their advance technology .. basura comment lang :weep:
 
hindi.. we lost $1B coz of that.. heck, that's half the yearly budget of the AFP
 
If my history is right, Umalis po sila ng kusa kase nadetect nila earlier yung MT. Pinatubo Eruption beacause of their advance technology .. basura comment lang :weep:

mali brad :slap: your history is left :lol: este wrong pala :) ang gusto lang naman kasi nila is tulungan tayo, konting lugar or base sa pinas. pinagdamot pa! pusang gala talaga! :ranting:
 
google nyo ng makita nyo :lol: pinaalis talaga sila sa subic, humihingi pa sila ng kahit konting extension man lang (renewal of contract) pusa! AYAW TALAGA E! :ranting:
 
ang mga hinayupak na chinese na lang siguro ang dapat paalisin dito sa pinas:rofl:
 
:lol: WALA BRAD E, ISANG BAGSAK LANG NG PERA NG MGA LINTIK NA CHINESE NA YAN, NEW CONTRACT NA NAMAN! :ranting: :lol:
 
it's all in the goverment. so watch nalang tau kung anu mangyayari.
 
ayaw nila masira ang dangal ng mga pilipina o palabas lang ng mga rebeldeng kumonista dahil tagilid sila pag andito US at yung mga panggugulo nila eh masasawata? bakit di nalang dun mag rally ng mag rally sa embassy ng tsina at iyon ang sabuyan nila ng pintura ng sa ganun baka matuwa pa ako sa kanila.
 
Never let your guard down ikaw nga.
Kasi kung wala yang mga kano siguro matagal na nasa china yang disputed islands.
Kung gusto nyong paalisin ang mga kano o paiwalang bisa ang visiting force agreement ay kayo ang pumalit sa pagbabantay ng disputed island gaya ng "Scarborough Shoal at Spratlys"
Walang magagawa yung pride pride na yan yung tatayo sa sariling paa ,pilay na po ang pinas.
Mga walang kwenta rin yung nagrarally sa USA embassy ano bang ginagawa nila puro panggugulo lang wala naman ginagawa para umunlad ang pilipinas.
 
Ito ang i-analyse nyo mga bro
1. Sino lang ba ang presidente ang pinuri nang mga nagrarally
2. Sino lang ba ang presidente ang di nilang tinawag na tuta ng kano
3. Sino lang ba ang presidente ang hindi nila ibinaling ang sisi sa marahas na dispersal, di ba naisip nang ibang tao na nilalagyan talaga nang mga organisasyong to nang tao nila ang mga payapang rallyista para guluhin ang rally at ilagay sa peligro ang buhay nang mga pulis para mapilitan itong ipagtanggol ang kanilang sarili at magreturn fire. Para may mamatay at isisi sa presidente ang karahasan at para matawag syang berdugo
4.bakit may taga negros occiddental na nahuli na nahuli sa madugong rally sa hda. Luisita ano ang ginawawa niya doon? Sagot:nandun siya para magsimula nang gulo, barilin ang mga pulis para mapilitan itong ipagtanggol ang kanilang sarili at magrturn fire. Para masigurang may mamatay sa mga inosenteng ralliyista na in goo faith nagpapaabot lang nang kanilang hinaing..

Ilan lang ang mga ito sa mga mapanlinlang , patraydor at mapanggamit na tactica nang mga organisasyong to...kawawa lang ang mga taong bayan na naloloko at nagagamit nila....

Remember, kung ang mga mamayang pilipino ay naniniwalang mabuti ang gobyerno at kung sino mang presidente ang nakaupo ito......mawawalan nang pondo ang mga organisasyong to at unti-unti silang mamatay.....

Ito rin ang rason kung bakit lahat ay gagawin nila para ipalabas na na masama ang gobyerno to the extent na manggulo ,manggamit ,pumatay in order to exist
takot sila sa bases at vpa dahil ayaw nilang maging moderno ang afp .eh malilipol ang mga tropa nila sa bundok.
 
Never let your guard down ikaw nga.
Kasi kung wala yang mga kano siguro matagal na nasa china yang disputed islands.
Kung gusto nyong paalisin ang mga kano o paiwalang bisa ang visiting force agreement ay kayo ang pumalit sa pagbabantay ng disputed island gaya ng "Scarborough Shoal at Spratlys"
Walang magagawa yung pride pride na yan yung tatayo sa sariling paa ,pilay na po ang pinas.
Mga walang kwenta rin yung nagrarally sa USA embassy ano bang ginagawa nila puro panggugulo lang wala naman ginagawa para umunlad ang pilipinas.

agree ako d2 101 percent..
 
ayos ah! puro na pro, walang anti :thumbsup:
 
kahit isa o dalawa o sobrang isolated na issue regarding violation nang mga kano dito sa pilipinas ay pinapalaki nang mga militanteng grupo, bakit kung susumahihin mo ang mga ginawang pang-aabuso nang mga ibang dayuhan dito ay subrang napakarami at lalabas pang ang mga kano ang maingat at disiplinado. yung ibang dayuhan maraming gunagawang pag-aabuso pero hindi naman nagrereklamo ang mga militante at nagrarally....
ang US pagpumunta palang dito para sa balikatan susugurin agad nang mga militante ang embassy at susunugin ang bandila nang US.
pero ang china nakita ba natin na sinunog nila ang bandila? wala...nagrarally nga sila pero halatang pakitang tao lang pero kung tutuusin ang ginagawa nang china eh pambubully na talaga.......sana ito ang lusubin nila at sunugin ang badila...pero sa tingin ko ayaw nila Eh kapwa nila kumyunista...
as long na may mga militanteng grupo at rebeldeng kumunista sa pilipinas most espesially ngayon na meron na meron silang tao sa congress dahil sa parte lists walang pag-asa na umasenso ang pilipinas.........:ranting::ranting::ranting::ranting::ranting::ranting::ranting::ranting:
 
ayaw nila masira ang dangal ng mga pilipina o palabas lang ng mga rebeldeng kumonista dahil tagilid sila pag andito US at yung mga panggugulo nila eh masasawata? bakit di nalang dun mag rally ng mag rally sa embassy ng tsina at iyon ang sabuyan nila ng pintura ng sa ganun baka matuwa pa ako sa kanila.

agree talaga ako sayo ts....natutuwa akong malaman na marami na rin palang tao na nakahata na sa mga ginagawang pagsasabutahe sa ating ekonomiya nang mga militanteng yan...hope dadami pa tayo ts para wala na silang magagamit balang araw....:salute::salute::salute:
 
Never let your guard down ikaw nga.
Kasi kung wala yang mga kano siguro matagal na nasa china yang disputed islands.
Kung gusto nyong paalisin ang mga kano o paiwalang bisa ang visiting force agreement ay kayo ang pumalit sa pagbabantay ng disputed island gaya ng "Scarborough Shoal at Spratlys"
Walang magagawa yung pride pride na yan yung tatayo sa sariling paa ,pilay na po ang pinas.
Mga walang kwenta rin yung nagrarally sa USA embassy ano bang ginagawa nila puro panggugulo lang wala naman ginagawa para umunlad ang pilipinas.

Well said. Hindi naman masama magrally pero kung puro kababawan at panggugulo lang din ang gagawin nila eh hindi na maganda yun. Karamihan kasi sa mga yan eh ginagatungan at nabrainwash na nung mga taong "Pula".
 
Back
Top Bottom