Laughter is the Best Medicine nga daw, kaya halika gawin maintenance ang kasiyahan araw araw, mag tulungan tayong gamutin ang lungkot ng isa't isa ng libre.
Bata habang kausap ang nagtitinda ng fishball, “Manong, may ubas kayo?”
Manong: Wala.
Kinabukasan…
Bata: Manong, may ubas kayo?
Manong (Inis na ng kaunti…): Wala nga e! Kapag bukas nagtanong ka pa sa akin kung may ubas ako, e isa-stapler ko ang bibig mo!
Kinabukasan uli…
Bata: Manong, may stapler kayo?
Manong: Wala.
Bata: May ubas kayo?