Anu naging cause kung bakit ganyan sila?
Tanggalin mo lang ang aspeto ng Diyos o religion.
Kapatid, paumanhin dahil di mo nasagot ang aking katanungan.
Tulad ng tinanong ako kanina
tanggalin mo ang aspectong Diyos o religion.
Anu nagtulak sa iyo para magbago ka?
Irerespeto ko yung paniniwala mo. Ngunit maraming paraan para baguhin ang buhay na di kelangan ng Religion, tulad ng sinabi ni Storm motivation ng isang leader o modelo ng isang successful person para mapabago ang buhay nila.
Basahin mo yung previous post ko andun yung sagot sa tanong mo.
Regarding sa huling tanong mo eto yung sagot:
Sa Religion ay iisang Diyos at iisang context ang pinaniwalaan nila subalit magkakaiba sila ng doktrina ng bawat ng religion dahil bawal kay ganito at bawal ganyan kaya kahahantungan ay magkakaroon ng gulo hanggang sa mauwi ang patayan dahil sa religion nila.
View attachment 1159199
View attachment 1159200
View attachment 1159201
View attachment 1159202
Lastly dalawang magkakaibang religion(parehas Christian Church sila) nagbabangayan sila dahil sa "mali" ang interpritasyon sa Biblya. Kapag mali si Religion A ay titirahin ni Religion B or vice versa. Di ko babanggitin yung pangalan ng religion na yan dahil sobrang sikat sila. Ang problema ay
magkakaiba ang katotohanan. Kaya
mahirap malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo.
Kumbaga ang Religion A ay sinasabi siyang may hawak ng katotohanan ganun din si Religion B. Sino ba mas paniniwalaan mo?
Dahil sa magkakaiba ang katotohanan nila dun na nauwi sa matinding gulo.
Kung gusto mong ipatanggal yung Pangalan ng Diyos.
Wala akong maisasagot dahil Ang Diyos ang Source ng pagbabago ko.
Honestly po hindi naman mismo ang pastor ang nagpapabago ng buhay ng mga tao, kundi ang Bibliya na ipinapangaral nila. Hindi sila nag tuturo ng nanggaling mismo sa kanila kundi Galing sa Bible at ipinapaliwanag nila ito sa amin
.(Yung totoong pastor at hindi yung ginagamit yung pangalan ng Pastor upang mangwarta at mang abuso etc..)
Sa sinabi muna na ito.
Kumbaga ang Religion A ay sinasabi siyang may hawak ng katotohanan ganun din si Religion B. Sino ba mas paniniwalaan mo?
Ito yung magiging basehan ko.
Mraming mga relihiyon ang nagsasabi na nasa amin ang katotohan kami ang nag tuturo ng totoo kaya sumali kayo sa amin,
But Salungat sa Bible yung itinuturo nila at kabaliktaran ng mga ginagawa ng mga leader ng simbahan at mga members nito ang itinuturo sa kanilang simbahan.
For example.
Ipapangaral ko na huwag kang magnanakaw tapos ako makikita mo na nagnanakaw. Ganun lang po.
Share ko lang.
Ilan lang po ito ng mga attitude ng kasama ko sa Church at Pastor namin
Katulad nalang nito.
May mga nanira sa kanila,inakusahan ng kung ano-ano, chinismis kung ano ano pang hindi magagandang bagay.
Kapag nakaharap nila yung tao nayon. Kakausapin pa nila ng malumanay at iisipin na kaya niya siguro nagawa yun dahil ganito ganyan.
Share ko lang po ito yung preach ni Pastor Ed lapiz. Bago po kayo mag comment pakinggan niyo po muna.
Kayo narin po ang nag sabi na pakinggan ang kabilang panig.
![Smile :) :)](/images/smilies/smile.gif)
Ayan na po
Huwag kanang mainis.
https://www.youtube.com/watch?v=VMf6_8if2Mg
The Best Revenge Against your Enemies
https://www.youtube.com/watch?v=2Sg8NMFqeIw
Minimize Anger
https://www.youtube.com/watch?v=EStZGsyTFpE
Ilan lang po yan sa mga Preaching niya.
Ngayon po gusto kong marinig mula sa inyo kung mali po ba yung itinuturo niya about sa Bible.
- - - Updated - - -
Dre, ewan ko san mo hinuhugot ang mga sagot mo. Lilinawin ko lang ulit, ang mga nilalahad ko ay di paniniwala ko: dinidescribe ko lang sayo ang totoong nangyayari sa mundo sa mga kagaya ng case mo. Walang bahid ng paniniwala, pawang pangyayari lamang sa realidad. Walang issue dito na subject sa paniniwala, puro payak na pangyayari or facts lang yan. Ibig mo bang sabihin pipikitan mo lang yang mga kaganapan na yan sa paligid mo?
Kaya ko lang nilalahad ang mga pinakabagong resulta dito sa post ko ay para alam din sila ng mga tao, lalo na yung mga interesado sa latest na findings ng science at lalo na sa field ng astrophysics na gaya ng laman ng post ko na to kung saan pinapakita na alam na ng tao ang literal na pinanggalingan ng universe. Di kawalan sa science kung may tao pa rin na pikit pa rin sa mga bagong tuklas na ito. Patuloy na umuusad ang mundo ng syensa may tao man na ganito sa mundo. Kawalan ito ng tao, hindi ng syensya.
Katotohanan at intellectual honesty lang ang masasabi ko na value meron sa science. Ngayon kung pag-uusapan natin ang mga indibidwal na syentipiko, kung tingin mo na marami sa kanila ang masasama o kaduda-duda ang pagkatao, alalahanin mo na di sila ang bumabandera sa headlines na kung anu-ano ang nauulat na krimen na ginawa. Pero pagmasdan mo ang bilang ng hanay ng mga pastor at pari na inuubos ang pera ng kanilang simbahan pambayad sa dami ng kasong hinaharap bago sa kalaboso din ang bagsak kasama ng lahat ng siraulo sa lipunan.
Kung lahat sana ng tinuturo ng bible ay tama, maaaring may pag-uusapan tayo diyan. Subalit malinaw sa mga verses na pinakita ko sayo, bible at diyos mismo ang pasimuno ng mga kasuka-sukang gawain sa mundo. Kung ang diyos mo nga ay ganito, ano pa ang aasahan mo sa mga tagasunod nito? Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit napakaraming karahasan at malawakang pang-aabuso sa ating kasaysayan gawa mismo ng simbahan at mga nagbabanal-banalan?
Okay! Kasado tayo diyan.
Maraming factor ang sagot sa katanungan mo diyan. Una salat ang kabuhayan sa bansa at kasunod agad diyan ay wala naman safety nets na nakaamba ang lipunan para sa ganitong mga tao. Mahina ang level ng edukasyon sa atin, huwag na lang pag-usapan ang quality. Kulang ang maayos na pamumuhay, at ang ibang desperado madaling bumagsak sa mga kamay ng nagkalat na predators sa lipunan natin. Talamak na ang pagkalat ng droga sa buong mundo di lang Pilipinas. Napalaking business nito. Maraming galamay na maimpluwensiya sa politika at military na protektor din ng mga drug lords. Nakikita naman natin yan. Ang mga naunang administrasyon di umasa na may solusyon yan, pero iba ang presidente natin ngayon. Kamay na bakal ang solusyon, pero mas maganda sana yan kung sinabayan ng malawakang investment sa makabuluhang edukasyon at pagsisikap na palaguin ang kabuhayan sa atin para ang mga nakapagtapos ay may aasahang pupuntahan paggraduate nila. Kagaya ng sistema sa mga bansang Norway, Sweden, Finland, Belgium. Ang mga bansang nakararami ang ateista pero simbolo ng matinong pamumuno at pagiging citizen ng lahat ng mga tao. Nauunawaan ang kahalagahan ng individual sa setting lipunan o society.
- - - Updated - - -
.[/B]
pASENSYA PO TALAGA DITO SIR NAKALIMUTAN KO LAGYAN NG (hINDI LAHAT)
Ahh storm may Values po ba ang Science?
Kasi po pansin ko na maraming matatalinong tao, maraming alam, genius pero pag dating sa pag uugali Bagsak po. (HINDI LAHAT)
Ibabalik ko lang po tiong sinabi niyo na to storm >>>Di kawalan sa Diyos kung may tao pa rin na hindi naniniwala sa Diyos. Patuloy na Nakikita na nagyayari ang mga Hula sa Bibliya. may tao man na ganito sa mundo. Kawalan ito ng tao, hindi ng Diyos.
Katulad nga ng sabi ni Lucius Crassus;
Kumbaga ang Religion A ay sinasabi siyang may hawak ng katotohanan ganun din si Religion B. Sino ba mas paniniwalaan mo?
Ito ang sagot ko.
Makikita natin sa Bunga ng kanilang mga ginagawa kung nasa kanila ang katotohanan.
Hindi lang naman relihiyon vs relihiyo ang nangyayari sa panahon natin ngayon.
Atheist vs Relihiyon. Sino ba ang nagsasabi ng katotohanan?
About po dun kung bakit magulo dito sa Pilipinas ay dahil hindi takot ang mga kriminal na gumawa ng krimen dahil Wala namang Death Penalty hindi katulad sa ibang bansa. Opinyon ko po ito. Tingin niyo po storm?
- - - Updated - - -
Dagdag ko lang po. Hindi ako ganito dahil lang sa sarili kong pananaw kundi dahil naniniwala ako sa Diyos at sa salita niya(Bible).