Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Anong gagawin mo kung toxic na ang relationship nyo ng bestfriend mo?

Inhinyerang Sibil

Recruit
Basic Member
Messages
8
Reaction score
1
Points
18
Sino dito naka experience na magkaroon ng toxic bestfriend? Ang problema ko kasi ngayon ang bestfriend ko masyado na akong inaabuso. Hiram nang hiram ng pera, tapos nung hindi ko na siya pinahiram kasi hindi nya pa nababayaran ang utang nya and kasya lang sa pang enroll ang pera ko, biglang nagalit. Oo alam ko baka nangangailangan lang siya. Pero iba siya teh, pag may pera siya imbis bayaran niya ako winawaldas nya sa mga pampaganda at iba pa na hindi naman niya kailangan, tapos mahilig mag clubbing. Kahit nga ibang friends niya napapansin yung pagiging gastador niya. Kahit di nya afford ang lifestyle na pinasukan niya willing siya mangutang.
 
"best" friend mo ba talaga yan? May I ask paano mo siya naging best friend? Siguro yun yung time na mabait siya at comfortable ka sa knya, or maybe chilhood friend? Hindi naman kayo matatawag na bestfriend kung hindi malalim yung foundation ng pagkakaibigan niyo. Maganda siguro, kausapin mo siya, one on one, or heart to heart sa girls? haha hindi ko alam term kasi sa aming mga lalaki, madali lang mga ganito situation. anyway, alam ko naman na ayaw mo siya mapasama and tingin ko naman nag ccare ka pa din sa knya.. siguro i lead mo siya sa tama ulit? kausapin mo kung ano ung problema niya and kung ano napapansin ng ibang tao about sa kanya. kapag nagalit siya, maging kalmado ka lang, sabihin mo kaya mo sinasabi sa knya ng diretso yun dahil nag aalala ka sa kanya, dahil "bestfriend" mo nga siya. na ayaw mo siya i back stub at pag chismisan ng ibang tao. explain mo din sa kanya yng situation mo kapag hindi mo siya napapahiram, etc. and sana marunong makinig yung kaibigan mo and sana maramdaman niya is sinasabi mo sa kanya mga yan dahil mag kaibigan kayo at hindi niya masamain.
 
Social Climber? :think:

Honestly, if there are things you can do about taht
it is either talk it out or walk out of it.

Napag uusapan naman yan.
siguro naman kung bestfriend mo talaga yan, maiintindihan niya
na yung perang pinahiram mo ay kailangan mo rin dahil magagamit mo rin yun
sa mga bagay na gusto mo sana pero pinahiram mo sa kanya
kasi akala mo mas kailangan niya.

And moreover, She should know her responsibility on her part
na bayaran ang utang niya as promised.
dahil kailangan rin ng taong hiniraman niya.
hiram yun, hindi bigay.

Ngayon, if she finds it hard to understand that
it simply means na magbestfriend kayo kasi nakikinabang siya sa iyo
and now that you seem detrimental to her, she won't want you anymore.
A sad truth, pero minsan may mga relationship na nabubuo lamang sa ganyan.

on the sheer benefit of one party over the another
in exchange for company and confidence.

also, Fault on your part
You don't lend more than you can give
and you don't lend much to someone
you know would not pay as easily as you lent them some
 
"best" friend mo ba talaga yan? May I ask paano mo siya naging best friend? Siguro yun yung time na mabait siya at comfortable ka sa knya, or maybe chilhood friend? Hindi naman kayo matatawag na bestfriend kung hindi malalim yung foundation ng pagkakaibigan niyo. Maganda siguro, kausapin mo siya, one on one, or heart to heart sa girls? haha hindi ko alam term kasi sa aming mga lalaki, madali lang mga ganito situation. anyway, alam ko naman na ayaw mo siya mapasama and tingin ko naman nag ccare ka pa din sa knya.. siguro i lead mo siya sa tama ulit? kausapin mo kung ano ung problema niya and kung ano napapansin ng ibang tao about sa kanya. kapag nagalit siya, maging kalmado ka lang, sabihin mo kaya mo sinasabi sa knya ng diretso yun dahil nag aalala ka sa kanya, dahil "bestfriend" mo nga siya. na ayaw mo siya i back stub at pag chismisan ng ibang tao. explain mo din sa kanya yng situation mo kapag hindi mo siya napapahiram, etc. and sana marunong makinig yung kaibigan mo and sana maramdaman niya is sinasabi mo sa kanya mga yan dahil mag kaibigan kayo at hindi niya masamain.

Naging bestfriend ko siya nung highschool. Palagi kasi kaming sabay umuwi kaya marami kaming napag-uusapan about sa life story namin. Hanggang sa college sabay parin kami kahit iba kami ng school, same boarding house kasi kami. For 7 years best friends kami, parang magkapatid na nga kami. Pero ngayon napansin ko kasi sa kanya malaki ang pinagbago niya, dati simple lang siya tapos walang masyadong arte (isa sa mga rason kung bakit ko siya naging friend), pero ngayon parang nangangati ang katawan niya kung hindi makabili ng mga pampaganda at iba pa tapos di rin nya naman pala gagamitin (impulsive buying ba tawag doon?). Pag kinakausap ko siya about sa mga vices niya (isa na dun yung pagiging gastador niya) sasabihin niya lang na "alam ko! Hindi mo na ako kailangan sabihan." Pero kahit alam niya hindi parin siya nagbabago. Palagi ko siyang iniintindi kasi siya lang talaga ang bestfriend ko and iniisip ko nalang na dadating talaga yung time na may changes sa friendship namin kasi nag iiba din ang ugali ng tao habang tumatanda. Pero ngayon punong puno na ako, siguro ginaganito niya ako kasi alam niya na willing akong tumulong. ang boyfriend ko sinasabihan na ako na huwag ako magpaabuso sa bestfriend ko (naaawa na kasi sa akin si bf, nung binisita niya ako kahapon galing work, naabutan niya ako na maga ang mga mata sa kaiiyak, enrollment na kasi tapos kulang pa talaga ang pera ko, tapos si bestfriend di parin umuuwi one week na, sabi niya kasi may group study daw sila para sa summer class nila). Minsan nga naiisip ko na tapusin ko nalang ang friendship namin kasi two years na kami ganito wala paring pinagbago. I tried everything para magkaayos kami.

ps. Ngayon ko lang nalaman na binayaran na pala ni boyfriend yung tuition ko sa school (sinabi sa akin ng friend ni bf na cashier dun) kasi alam niya na ayaw ko tanggapin yung tulong niya kung about sa pera.
 
You've grown apart.

if she isn't willing to settle what is making you distant from one another
then maybe, it really is time to set some time apart and see if it does well.

Friendships should be good for both of you
but from the looks of it, nagiging means ka lang niya para sa luho niya
and you on the other hand, nagiging masama ang epekto nun

I don't really know how to deal with people like that than to talk
without harming the friendship the two of you had built.

hindi maganda magsali ng ibang tao..
hindi rin maganda na malaman ng ibang tao.

but then if she keeps acting like she doesnt want to pay you
and that ikaw pa ang masama dahil kinukuha mo sa kanya yung iyo.

then probably, you've really grown so far apart na hindi niyo na maintindihan ang isa't isa.
nor even try to talk out your problems.

unless you are willing to go to farther lengths for your friendship in the hope na maging okay
I suggest that you start stepping back from it. and let her see what she has done.
 
Isa lng masasabi ko jan
Iwan mo na muna bastfriend mo lipat ka muna ng ibang bhay uuwian
Pati sbi m poh mag kaiba kau ng school n pinapsukan
Bka na implowensyahan sya ng mga classmate nya n rich kid kya bigla sya nag iba
 
Thank you talaga guys for replying. ngayon alam ko na kung anong gagawin ko. for my mental health siguro kailangan ko muna lumayo sa kanya. plano ko rin kasi na lumipat sa dormitory ng school namin para mas makatipid ako sa pamasahe. kanina lang ininvite kasi ako ng classmate ko magtransfer sa room niya kasi grumadweyt na ang roommate niya (dalawa kasi ang bedspacer per room). doon makakapag study ako ng maayos kasi parehas kaming civil engineering ng magiging roommate ko (unlike sa boarding house minsan nawawalan ako ng focus sa pagstudy kasi sa ingay ng music sa iphone ni bestfriend, naka full volume pa). nag-usap din kmi ni ateng landlady about sa plano ko, then doon ko nalaman na c bestfriend hindi pa nakakabayad ng renta nya this month at hindi nya masingil kasi palaging wala si bestfriend kung bibisita siya sa room namin. mabuti na lang per head ang singil sa monthly rent at hati2x na ang mga boarders sa kuryente at tubig (iisa lang kasi ang metro ng tubig at kuryente namin.). Bahala na ang karma sa kanya, sarili lang niya ang makakatulong sa problema niya. Ginawa ko na ang lahat pero bingi talaga si bes.
 
Sino dito naka experience na magkaroon ng toxic bestfriend? Ang problema ko kasi ngayon ang bestfriend ko masyado na akong inaabuso. Hiram nang hiram ng pera, tapos nung hindi ko na siya pinahiram kasi hindi nya pa nababayaran ang utang nya and kasya lang sa pang enroll ang pera ko, biglang nagalit. Oo alam ko baka nangangailangan lang siya. Pero iba siya teh, pag may pera siya imbis bayaran niya ako winawaldas nya sa mga pampaganda at iba pa na hindi naman niya kailangan, tapos mahilig mag clubbing. Kahit nga ibang friends niya napapansin yung pagiging gastador niya. Kahit di nya afford ang lifestyle na pinasukan niya willing siya mangutang.

May pagka-social climber ang best friend mo. Better stop lending her money dahil talo kayong pareho because if you keep lending her money you'd end up broke and you might not have someone to turn to while on her part, she'll just get used to her "vice" and who knows what might happen to her as she gets deeper into it. If she gets upset whenever you ask her to pay you back then I don't think she's still worthy of being a best friend. So stop lending her money from now on and look for another best friend.
 
Ang sa akin naman e kung itinuturing mo siyang best friend, dapat e you tell her right in front of her face at the best possibel way you could.

Since napahiram mo na naman, sabihin mo na wala ka ng ipapahiram na pera at napahiram mo na sya. Since sya naman ang naglagay sa sarili nya sa ganyang sitwasyon, hayaan mong maging awkward at uncomfortable sa kanya. You don't have to protect her ego. Yung mga ganyang relasyon e parasitic, walang binubungang maganda. Nagkakasira pa kayo ng palihim. Bago mahuli ang lahat tell her how you feel. Kesa nagngingit ngit ka.

Naniniwala kasi ako na kung totoong magbest friend kayo, there are things that only you can say to her. Kung magalit sya at talikuran ka nya, ikaw lang nag iisip na magbest friend kayo.
 
Hi guys! 2024 na pala and naisipan ko iopen ang thread na ito for awareness. We're both pamilyado na and masasabi ko na time is the ultimate truth-teller. I realized na kailangan niya lang ako kapag convenient sa kanya (mala marry my husband na friendship, parang ako si Jiwon pero mabuti na lang mabait husband ko at walang cheating sa story namin hehehe.)

So itong si bestfriend nabuntis ng bf niya dati (now ex bf). Di siya sinalo ng bf niya kasi busy eto sa mga plano niya for himself, kahit anak nila ayaw niya panagutan. Nirecommend ko sya sa kakilala namin na OB-Gyne para libre na checkup niya. Pero matigas mukha ni friend gusto sumabay sa mga buntis niya na barkada (mga richkid at old money descendants) pati 3D ultrasound ginastusan niya. Kaya ayun kinausap ako ng parents ko na need na ni bestfriend to transfer sa relatives niya. Nakakaapekto na kasi sa pag-aaral ko yung sitwasyon. Then after giving birth, ayaw sustentuhan ni ex bf si bestfriend, so after loooooonnngggg time na peaceful na kami sa bahay bumalik siya para humingi ng tulong. siyempre mabait kami at nakakaawa yung anak niya need ng gamot sa ubo (months old pa lang) tinulungan namin. Then naging ok na sana kami until may na meet na naman siya na new guy (old money descendant ang josawa niya ngayon) yun na yung tumayong tatay sa anak niya. After that napapansin ko bumabalik siya sa dati niya na attitude. Ang malala kinocompare niya anak ko sa anak niya. Kahit binubully na ng anak niya yung anak ko wala siya pake, kuno daw dapat matuto anak ko magpaka lalake (both male anak namin), yung time na need ko na mag intervene kasi sinasaktan na ng anak niya ang anak ko, hinila niya kamay ko para di ko ituloy. Pero ako na nag reprimand sa anak niya (ninang din naman ako ng anak niya so need ko rin turuan yung inaanak ko pag may mali siya). After nun I muted her messages kasi katoxican lang naman tsismis niya sakin. Naaawa sana ako sa anak niya kasi it turned out na may violent outburst josawa ni bestfriend. Pero ayaw ipa VAWC ni bestfriend kahit sinuntok na ng malakas anak niya, pati siya malapit na ma dislocate joint niya sa kamay. Pati nga yung mga old money friends niya dati napagod na kakasabi na kasuhan niya yung lalake at willing sila tumulong. So ayun, wala din kami magawa kasi kapag walang reklamo, walang kaso. So more focus na lang ako ngayon sa family ko. Thank you sa mga nagreply. :-)
 
Back
Top Bottom