Hi po guys, hoping na meron pa pong naguupdate dito. Hehe, me tanong lang po ako.
Di ako sure kung me iba pang Asus Zenfone Max Pro M1 user/owner dito, pero napansin ko lang, sa ibang games ko na gumagamit ng Unreal Engine, biglang nagmumute yung ibang sounds? Not entirely, pero napapansin ko humihina yung sound niya tapos biglang babalik sa normal. Nakapagbasa nako sa iba pang mga sites at it seems na hindi lang pala Asus ang me issue dito kundi iba pang phones.
Ang nangyayari kasi specifically sa phone ko ganito, yung Mortal Kombat X at yung isa kong Korean game na Blade 2, parehas na gumagamit ng Unreal Engine. Yung dalawang yun yung nawawalan ng sounds minsan both sa speakers and headset, parang namumute yung ibang audio pero hindi lahat, example yung background nandun pero yung mga voice over or kung ano pang extra sound nawawala. Tapos bumabalik sa dati naman tapos nawawala ulit. Pero dun sa ibang games ko, so far, hindi naman namumute, and hindi din sila Unreal Engine game, iba iba. Yung mga games po na yun so far maayos kahit nakabluetooth ako na headset or nakaspeaker. So iniisip ko, meron bang issue ito sa compatibility ng Unreal Engine games sa ASUS codec?
Nagtanong din po ako dun sa kakilala ko, eto ren po yung sinuggest niya saking problem ng Asus Zenfone Max Pro M1:
-audio codec file not properly read
-code implementation of the game isn't purely compatible with the phone (mataas bet ko with this one since unity and unreal engine are one tricky game creation platform)
-software side ng phone mismo which can be fixed via updates pero di rin ako sure kung alin ang iuupdate
If ever po merong maguupdate, kahit ano po please, baka may idea kayo kung me issues nga si Unreal Engine sa mga games or what, or baka merong Asus Zenfone Max Pro M1 user na katulad ko.