Hello po mga sir! I want to ask for advice on what to do with my situation.
I'm head-over-heels with this girl for a year now (1 year and seven months to be exact). Nanliligaw palang pero andun na kami sa MU stage. LDR. Sa una, enthusiastic kaming magreply sa isa't isa thru Messenger. Then nagstart kaming mag video call. All is well nung mga panahon pa na yun. I always send her quotes and long good morning messages. I am always sweet to her. Never akong nagsawa sa kanya. Kahit wala nang sense yung mga kwentuhan namin. I always find interest on her. Of course there are down times pero, bumabalik rin naman kami sa dati after a day or two.
Around April this year nagstop kaming mag video call. I tried calling her everyday but she won't answer. So I stopped na rin kasi malilipat na ko ng pwesto sa office. Marami nang makakakita. And I explained to her na ganun na ang sitwasyon ko. Ok lang daw. So chat nalang ulit kami nagkakausap.
Then came July, Saturday. I did my routine (a long good morning message with a bible quote). She replied, but unlike before, it was a cold reply. Isang tanong, isang sagot. I thought, siguro busy lang sya. Kasi ganun sya kapag busy or may problema sya eh. So ok lang sakin, sabi ko sa sarili ko "I will just ask her later at lunch time or in the afternoon when she's free". Natapos na yung araw, I asked her if there is a problem or if she's super busy..no reply. "Siguro she needs her alone time.", sabi ko. Then came next day, I did my routine again with her not replying. Kahit tanungin ko sya kung anong nangyayari, wala talaga. Next day again, kinulit kulit ko na pero seen and no reply pa rin. Nagstart na kong mag worry kasi baka may nasabi akong di maganda or naiinis sya sakin.
Fourth day dun lang sya nagreply. Sabi nya wala naman daw akong masamang nasabi or nagawa. Gusto lang daw nyang magpahinga. Sabi ko, ok sige. Baka nga naman nauumay na sya. So I just did my routine again the next day but still wala nanaman ulit reply. Until ganun na ang nangyari buong buwan. Hanggang August.
One day, dineretso ko na sya kung ano ba talaga ang problema? Ang sabi nya sakin nahuhulog na daw sya para sakin. I'm so confused about what she said to me at that time kasi kung nahuhulog na sya sakin bakit parang lumalayo sya? Umiiwas sya? She told me that I don't deserve her kasi sobrang bait ko daw. Kesyo natatakot daw sya kasi lahat ng naging lover nya iniwan sya. I thought to myself, na sobrang weird ng dahilan nya para lang umiwas. Ok na yung dahilan na takot syang maiwan at maloko pero yung umiwas sya sakin dahil nahuhulog is absurd. I was not convinced kaya pinalipas ko muna ng ilang araw.
Then I asked her again. Bigla nalang nyang na brought up na baka iniisip ko daw na baka meron na syang iba kaya daw nya ko iniiwasan. Which is the last thing that I will think unless there's proof. Tsaka sinabi nya na wala syang ineentertain na iba so I just need to trust her and keep faith na wala nga. But saying those things will actually make me think na baka meron nga. Pero ayokong isipin.
Everytime na sinasabi ko na gusto kong magkwento naman sya sakin about sa kung anong nangyayari sa buhay nya meron syang mga dahilan. Iba't ibang dahilan. Kesyo gusto daw muna nyang mag lay-low, nakakahiya na daw sakin kasi may problema rin daw akong personal, etc. Pero nararamdaman ko talaga yung pag-iwas nya. Dati, sinasabi nya pa sakin kung san sya pupunta. Ngayon, nagugulat nalang ako na may nagtatag nalang sa kanya na mga kaibigan nya na andun pala sa bahay ng kaibigan nya. I know it's not my right na malaman ko lahat kasi suitor palang ako eh. Pero andun na eh, nasanay na ko. Alam kong MU na kami at mahal na mahal ko sya.
Sobrang napapagod nako sa kakaisip kung bakit nya ginagawa sakin yun. Lagi ko syang tinatanong kung bakit ganun nalang sya naging kalamig sakin. I tried to change my routine. Hindi na ako unang nagmemessage sa kanya tuwing umaga. Wala na rin yung mga "long good morning messages" ko. Nag memessage naman sya, kaso after that na rereplyan ko sya wala na ulit.
I'm already at the state of depression and it's hurting me so much na parang bigla nalang akong iiwanan sa ere ng taong minamahal ko. It's like I'm loosing my purpose. Andito na ko sa point na ayaw ko nang kumausap ng ibang tao. Naiiyak nalang ako bigla kasi ang bigat na sa dibdib ko.
I just need someone na makakapag advice sakin. Kung tama bang huminto na ko kasi sobrang sakit na ng nararamdaman ko? Or ituloy ko pa rin kahit andyan na, nakikita ko na pero nagtatanga tangahan at binubulag ko nalang yung sarili ko na lumalayo na sya sakin?
Thank you sa makakabasa and for giving the adivce. Sorry medyo napahaba.