Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Guys.. i dunno kung totoo toh.. pero prang totoo eh..

i-ko-quote ko lang yung post ko dati. pinost ko 'to 12th Apr '09 Sun 15:13
kahit turning 22 years old na ako hindi parin talaga ganun ka-matured ang isip ko. kaya minsan nasasabi ko mga bagay na 'yan.
natutunan ko na learn more stuffs than you can handle, grow better each day. don't limit yourself.

anyway, ang daming tanong pumapasok sa isip ko. pati tanong tungkol sa Diyos naiisip ko na rin.

mabait ba ang Diyos? kung mabait siya, bakit may mga batang namamatay sa sakit na cancer? hindi ko sinisisi sa Kanya ang lahat, nagtatanong lang ako. ewan ko ba kung bakit naiisip ko ang mga bagay na 'to tungkol sa Kanya.
sana patawarin Niya ako.

someday we'll know.

Kung sa kabaitan lang. Hindi po masukat ang kanyang pagmamahal sa atin.
Tayo pong mga tao kahit tayo ay masama. Nagagalit tayo at gusto natin mawala sa paningin natin ang masama.
KUng tayong mga tao galit sa masama mas galit ang Diyos sa masasama.
Pero kahit galit ang Diyos sa mga masasama/makasalanan binibigyan po niya tayo ng pagkakataong mabuhay para magsisi sa ating kasamaan. Isa na po diyan ang pagdudahan ang kanyang pag-ibig.

May pangako ang Diyos na higit na mas mabuti. Noon nangako siya sa mga Israelita tungkol sa bayan na kanilang matitirhan at kahit lagi sila sumusuway naalala parin ng Diyos ang kanyang pangako kay Abraham at sa mga tapat sa kanya na kanyang pinangakohan. Kaya nakamit din nila ang lupang pangako para sa kanila.

Nang suguin ng Diyos ang kanyang Anak may ipinangako ang Diyos na matitirhan, higit kaysa sa luma.
Alam din natin tayong lahat ay mamamatay, pero may naghihintay na pangalawang buhay. Tinuruan tayo ng Anak ng Diyos kung paano pumili ng mas mabuti.
Na mas mahalaga ang mga bagay na di mabubulok kay sa sa mga bagay na nabubulok. Kasama na po diyan ang ating mga katawang nabubulok.
Tinuruan niya tayong huwag pahalagahan ng higit ang mga bagay na lilipas lamang. Kundi itoon natin ang ating paniningin sa mga bagay na kanyang ipinangako na buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng kanyang Anak na sinugo.

Pag nangako ang Diyos tiyak tutuparin niya ito. Kung tumatagal man ito dahil nadin po sa ating mga tao. Binibigyan niya tayo ng mas mahabang panahon para magsisi at kilalanin ang kanyang Kalooban.
Isa sa kanyang pangako na "kakalimutan" na niya ang ating mga kasalanan at hindi na alalahanin pa. Hindi po siya tulad ng tao kung mangako na hindi tinutupad. Pagsinabi niyang kakalimutan niya at hindi na alalahanin pa totoo iyon. Pero kung pagdududahan natin siya sa kanyang pangako at mismo tayo ang nag-iisip na tayo ay di pa pinatawad, hindi po niya iyon kasalanan. Kundi kasalanan ng tao dahil wala siyang tiwala sa Pangako ng Diyos. Pagkinalimutan na ng Diyos ang ating mga kasalanan, kalimutan na din natin ang ating mga masasamang gawa at mamuhay ng may kabanalan dahil ang Diyos ay banal kaya dapat po tayong magpakabanal at ang halimbawa na kanyang ipinakita ay tulad ng pamumuhay ng kanyang Anak.

Ang tao laging naghahanap ng masisisi sa kanyang mga maling gawa. Napakahirap din sa tao ang magtiwala. Lalong-lalo na sa panahon ngayon. Pero ang Nais ng Diyos tayo ay magtiwala sa kanya dahil ang nais niya ay sa ikabubuti natin at hindi sa ikasasama.

Wala naman sigurong nilipol ang Diyos ng Israel na mabubuting tao. Ang nilipol niya ang masasama na ayaw siyang kilalanin at ayaw sumunod sa kanyang mga utos.
Ang mga taong ginagawa siyang masama at gusto nilang palabasin na mas mabuti sila kaysa sa Diyos na lumikha at nakakaalam sa lahat. Nakakaawa sila dahil binulag sila sa katotohanang kung gaano kalaki ang pag-ibig ng Diyos kaya di nila maunawaan.

Kung may pangako ang Diyos para sa mga mabubuti at susunod sa kanyang Kalooban. May roon din naman sinabi ang Diyos patungkol sa masasama. Ang ikalawang kamatayan. Sasabihin nila brutal iyon. TAMA BRUTAL iyon. Pero kung ayaw nating maranasan ang parusa para sa masasama. Magkaroon po tayo ng banal na takot at wala naman siguro masama sa nais ng Diyos, ang kalimutan na natin ang ating masasamang gawa at mga hilig ng laman na nakakadulot lamang sa atin ng karumihan na siya ding maghahatid sa atin sa ikalawang kamatayan. Ayaw ng Diyos na mapasama tayo sa parusa sa mga mapanghimagsik laban sa kanyang Kabanalan. Kaya patuloy tayo niyang sinasaway para pagsisihan natin ang ating mga nagawang mali at sumunod sa halimbawa na ipinakita ng kanyang Anak na si HESUS.

Sana po nakatulong po ako kahit papaano na masagot ang ilang katanungan mo po. Kinalulugdan ng Diyos po ang tao kung sila ay nagtitiwala sa kanya kahit hindi pa siya nakikita.

- - - Updated - - -

God gave us will.. god is just..
tapos kapag hindi naniwala sa kanya magagalit sya, magpaparusa at papatay sya..
Haaaay.. naku po! :slap:

may plano ang diyos.. alam nya lahat ang mangyayari,.
e bakit sya nagpaparusa?
haay naku!

Tama po binigyan tayo ng kaisipan para malaman ang mabuti at masama.
Tama din na magalit siya pag hindi tayo naniwala sa kanya at may karapatan siyang gawin ang nais niya dahil siya ang lumikha sa lahat.
Bakit naman hindi siya magagalit kung ang nais niya ay para sa ikabubuti natin at tayo ayaw sumunod?
Tama may plano ang Diyos kaya nga sinugo niya ang kanyang Anak upang ang sinumang manalig(tunay na manalig) ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Ang pag-ibig na mula sa Diyos ay nagsusupil ng kasamaan upang maging tulad niyang Banal at magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Ang pag-ibig na mula sa sanlibutan ay nagdudulot ng kapahamakan at kamatayan.
 
Ngayon mas nauunawaan ko na kung bakit nag usbungan ang ilan Atheist sa mundo. It proves na parang tama ang kanila tibok ng puso nila. God is malevolent daw so why believe in God. They thought God is all-loving but for me...

1. It depends sa interpretation kung papaano lumalabas na malevolent siya at hinde siya all-loving.
2. Iba ang concept of God or ideal God na nagsulat na siguro, past-history ay meron event na nangyari so bad kaya sila nakapagsulat ng ganun in bible.
3. There were king(s) nang panahon na iyon na associated sa belief nila kay God dahil ika nga---yung paniniwala of God nila ay maaari sa ano man dalawa klase.
a) People believe that God is universal. Abstract which is love or---
b) People believe God that is similar to a human behavior like pumapatay, nasasaktan, nagpaparusa, nagmamahal at so on at so forth.

Remember? Sa history na meron mga namumuno na mahilig manakop ng bansa at sa isa bansa. Barbaric pa ang tao noon una panahon na patayan diyan sa tabi-tabi. Pagkatapos hinde pa... well... hinde pa ganun ka knowledgeable ang mga tao sa field of science---e diba? Lahat naman na eevolve pati society e so just imagine, meron sila nakita naghuhulugan na bato na sunog galing ulap na bumabagsak sa lupain na ang akala nila ay parusa ni God (supernatural) pero lingid sa kaalaman nila ay galing iyon sa bulkan na pumutok na pala.

...as a result---yan---mahaba ang list of killings galing sa concept of God po nila. Yun lang po.

Ako, I believe that God is love. Ewan ko sa iba. Siguro sa iba ay God is mapagparusa at taga patay ng tao ay okay-okay sa kanila iyon. Magkaiba ang ideal God namin na hinde ganyan ang pagkakakilanlan ko sa God mismo but I do believe that there is God talaga.

To be honest--agree ako na ang dami pinatay ni God. Yung mga religious, just daw ang ganun gawain pero ang iba tao siguro---turn off sa kanila iyon o it seems na lose faith sila dahil parang ang evil ng dating ng God sa kanila. Hinde nakakapagtaka, mas mataas ang fear ng religious sa God na pinapaniwalaan nila kaysa eportray ito na God is all loving.

Oo nga. Takot sila. Dahil sa takot nila, ang ilan sa kanila ay hinde na magawa eaccept kung ano ang mga new ideas. Halimbawa, kapag ang anak nila is pinangarap maging dancer, sa takot ng religious parents na baka parusahan sila ni God, hinde na eaallowed ang anak nila maging dancer.

Fear kung baga.

Dami.

Just daw kase si God.

So kung agree ang tao at tanggap nila ang ganun gawain ng ideal God nila na ang dami-dami pinatay na parang Adolf Hitler na mass murder na as in---yung concept of God nila is similar to human behavior po.

O tingnan niyo si Adolf Hitler, ginaya din niya si God. Siya daw taga bigay ng pagkain at siya din ang taga pagparusa. Dami niya pinatay din. Di niyo ba alam na lumaki raw si Adolf Hitler sa pagiging religious? Sabi.

Ayun.

Nagkaroon ng psychological effect.

a good leader must be a good follower..
kung totoo man siya,
sige sabihin na nating totoo siya
(ignoring science, philosophy and statistics, and common sense na rin)
then wala siyang karapatang gumawa ng commandment dahil siya mismo hnd marunong sumunod

Oo nga noh? Haha pero sabi, *no question ask* daw dahil kapag nagtanong ay ang sasabihin, "bakit mo kino question si God, huwag mo questionin si God because God is just"... ganun.
 
Last edited:
mind the true meaning of "Just" and "killer"

God is Just
God is Sovereign

Some of his Great Attributes
 
Back
Top Bottom