Maganda at may naisulat kang mga datos, pero maraming kulang.
Sagot mo sa #1. National Security Issue - Ito ay hindi mo nasagot. Following the Chernobyl disaster on April 26, 1986, Filipinos got scared of the incident. Di malaman ng mga tao kung ito ba ay natural na aksidente o talagang sinadya ng mga espiya o operatiba ng ibang bansa. Sinasabing nasa mahigit 100 lang daw ang namatay pero ang may nagsasabi naman na umabot ng nasa 40,000 katao ang namatay dahil sa radiation effects
https://slate.com/technology/2013/0...-cases-are-caused-by-low-level-radiation.html. Syempre yong mga tao noong unang panahon ay talagang takot, maliban pa na wala pang gaanong edukasyon tungkol sa Nuclear Power, masisisi mo ba sila? Besides, sinabi ko rin na wala kang mapagkakatiwalaang Pinoy na magbabantay dyan baka nga pasabugin pa yan ng mga espiya ng Tsina o mga loyalistang sundalo ni Macoy noong nagdaang mga panahon. Kaya nga minabuti na muna na wag muna ipagpatuloy.
Sagot mo sa #2. Inappropriate Location - Ito ay sinagot mo pero kulang. Sinabi mo na ang BNPP ay safe from fault lines, malayo sa mga bulkan, at solid ang pondasyon. Ang hindi mo nakuha ay yong epekto ng vibrations, tremors and after shocks kung nagka lindol o may pumutok na bulkan na malapit sa Bataan. Sinabi mo nga na minsang nagkaroon ng lindol na 7.8 magnitude noong 1990, pero ang hindi mo naanalisa ay kung ano kaya ang mangyayari kung ang planta ay nag ooperate at nagkaroon ng 'shaking'. Syempre, ang delikado dito ay yong mga tubo dyan at ibang ekipo na bumigay, not so much on the foundation. Magkakaroon ng 'leaks yan' at posibleng meltdown, ang tanong paano mo siya mako contain? Yong Fukushima, sa Japan nga nahirapan, paano pa kaya ang Pilipinas eh kulang tayo sa mga gamit? Tapos paano naman yong populasyon na maaapektuhan? As of now, Bataan has a population of more or less 761,000 and 50 years ago nasa 150,000
https://psa.gov.ph › Census Activities › CPH, ibig mo pa bang sabihin okay lang idispatsa ang mga tao dyan kung magka aberya man? And besides, the plant is located 100 km away lang from Manila which is densely populated. Ang sinasabi kasi is that the safe radius should be more than 50 miles (hindi pala 50 km), so 50 miles is roughly around 80 km na ang lapit na pala sa Maynila. Ang problema is not only the explosion but the radiation leakage at sumasama pa sa clouds na magiging 'black rain'.
Sagot mo sa #3 Nuclear Wastes - Ito talaga mali ang sagot mo. Simpleng tanong, bakit naman pala mag iimbento pa si Bill Gates ng TerraPower 'zero waste' reactors or TWR, eh wala naman palang nuclear wastes ang magi generate dyan?
https://www.washingtonpost.com/news...e33e71b326b29c3778ce0/?utm_term=.fdfa487f9911. Ang di mo naiintindihin ay yong fuel na Uranium 235 ay nagdi deplete or decay into Uranium 238 under controlled fission, ang tawag dyan 'spent fuel'. Usually, itong spent fuel ay pino put into special containers or niri reprocess to produce Plutonium 239 (Pu 239) na ginagamit naman sa nuclear weapons
https://en.wikipedia.org/wiki/Spent_nuclear_fuel. Further decay, would become 'nuclear wastes', yong di na talaga ginagamit
http://www.world-nuclear.org/nuclear-basics/what-are-nuclear-wastes.aspx. Kaya may wastes pa rin kasama na yong mga nagamit na mga 'coolants' o 'cooling pools' na masa saturate eventually. Ang problema saan mo itatapon to? Paano pa kaya kung nag operate yong plant noong 1986 sigurado maraming wastes kasi hindi pa hi-tech noon. Ikaw lang ata ang nagsasabing walang waste, ibig sabihin mas magaling ka pa yata sa mga Amerikano at mga Europeans kasi sila umaamin pero ikaw hindi.
Yong sa Japan hindi dahil nasa tabing dagat sila eh wala ng wastes, meron yan syempre. Pero dahil nga nag uupgrade sila ng makabagong teknolohiya kaya mas nare reduced ang kanilang wastes. YOng Pilipinas may mga hydroelectric plants pero walang proper maintenance, paano pa kaya yong BNPP? Puro korupsyon lang alam ng mga Pilipino.
Sagot mo sa #4. Trapong mga Pulitiko - Wag mo kasi isisi kay Cory. Hindi dahil kalaban niya si Marcos ay pag-iinitan niya pati mga proyekto nito. Dito ka nagkakamali, di mo ba alam na yang BNPP na yan kahit di umaandar at di nagagamit ay pinopondohan pa rin para sa maintenance? Hindi mo ba alam na gumastos ang gobyerno sa pag mintina ng reactors for $96 Million at annual cost of $1 Million to maintain its present conditions
http://large.stanford.edu/courses/2015/ph241/anderson-m1/? Ibig sabihin pinapangalagaan pa rin yan ng mga previous administrations kasi nga alam nila na magagamit ito sa takdang panahon.
Wag mo na banggitin yong Meralco at kung ano ano pa kasi nga wala naman yang kinalaman yan sa paksa.