Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Missing the Old Ragnarok Online




I've always been listening to Ragnarok theme songs to relax myself when I feel exhausted. I tried searching on youtube for some more instrumentals and if some vocalists writes lyrics for them. Yeah, I found some but after reading comments, I really missed the old Ragnarok. The game that changed the face of online games.

Ayoko na mag-english, ang hirap! :lol:

Pinakapaborito ko `yong theme ng Prontera. Naalala ko noong doon ang saving point ko para kapag asar ako, marerelax na lang ako. Makikita ko din doon ang napakaraming Merchants na nagbebenta at nambabarat ng mga bilihin. :lol: May mga nakaupo lang para makipagkwentuhan, mga parties na nagpapahinga at naghihintayan, at mga newbie na humihingi ng konting zeny o pulot na items para lang makapagsimula. Shet talaga, nakakamiss!

Marami akong nabuong kaibigan dahil sa Ragnarok, mapaonline man o in person. Alisin mo na sa alaala ang pagcucutting classes para makapaglaro lang at ang pangungupit para makapagload, basta malaki ang naging impluwensya ng Ragnarok sa buhay ng mga batang 90's. Parang isa ito sa mga humubog ng pagkatao ng mga bata, pati ako at kung nakakarelate ka, pati ikaw. :lol:

Noong kukuha na ako ng job test para maging archer, hindi ko alam kung saan ako maghahanap ng mga kahoy. Wala pang faqs sa internet noon kaya kailangan mong magtanong online para lang makausad. Social networking na rin ito kumbaga. Tapos may ilan na mababait na tutulungan ka pang makakuha dahil alam nilang hindi mo pa kaya mag-isa. Kaya siguro ako naging mabait at matulungin sa kapwa dahil na rin sa Ragnarok. :D

Isa kasing nawala na ngayon sa Ragnarok, `yong adventure eh. Dumami ang mga guides at nawala `yong thrill na mahirap magpalevelup. Dati ikaw lang ang gagawa ng paraan para makasurvive, sariling diskarte kumbaga. Parang `yong kagustuhan mong makawala sa reality kaya ka nahook sa Ragnarok. Doon kasi, walang makakakilala sa'yo. Para kang nabuhay ulit. Walang kaaway. Walang friends. Walang lovelife. Walang parents :evilol: . Ikaw ang huhubog sa buhay na gusto mo, ikaw ang pipili sa landas na tatahakin mo ng walang pipigil sa'yo. Walang makikialam. Ang maganda pa doon, kapag nagkamali ka o ayaw mo na sa landas na tinahak mo, pwede mong ulitin. Bumuhay ka uli ng panibagong ikaw. Aayusan hanggang gumwapo ka na doon. Ngayon, parang tanga ka na lang kapag hindi mo alam ang pasikot-sikot ng laro.

Ang sabi nga no'ng top commenter sa isang video sa youtube, "Good friends in RO will be remembered forever, even if they are random people you met while playing. Be nice to people wherever you are, he / she might be your priest that heals you all the time, the knight that tank for you, the hunter that deals the most damage with you, the blacksmith that made your first +10 elemental weapon and many others. `Coz we've been brothers and sisters once, that moment will come again one day."

Pagdating sa Ragnarok, ibang tao na tayo. Ang character natin ang personality natin, ang mukha natin. Kung sino tayo doon sa virtual world na `yon. `Yon ang breaker004 na nabuhay doon, iba ang real breaker004 na introvert at laging nasisita dahil hindi lumalabas ng bahay. Kung alam lang nila ang adventure natin. Kung alam lang nila kung ilan ang kaibigan natin. Kung alam lang nila kung anong level na tayo na magsisilbing edad natin doon. Kung ilang beses na nating nailigtas ang buhay ng mga kaibigan natin. :)

May ilan na couple na ngayon dahil sa Ragnarok. May mga barkadang solido mula ng magkakilala hanggang magtrabaho na at quit na sa paglalaro. Ibang klaseng experience talaga. Sobrang nakakamiss. :weep:

Da best para sa'kin ang RO. Quests, theme songs, 3d graphics that time, levelup rate, maps, storyline and guilds & pvp's. That world gives use what real life are at stake, emotions like happiness and loneliness. Freedom, survival, team work and companionship. No other game is made better that Ragnarok. :D

Waaaah. `Di talaga ako maka-get over. :rofl:

The jellopies, fluffs and even mucus are on trades. :lmao: I remembered my first Triple Lucky Knife! At masaya na ako do'n. Haha! The Kafra's, Weapons Dealers and etc! Too much to miss. Remember, chit chats with friends under the Payon trees na kayo lang ang nakakaalam na doon kayo nagtatago. :lol: Very nostalgic, kapag nasa tuktok ka ng bundok para panain `yong monster sa baba. `Yong Greatest General na hindi makalaban sa Archers kahit oras na ang binibilang para lang mapatay ng low level archers. `Yong maliligaw ka sa disyerto ng Morroc habang hinahabol ng aso. :rofl: `Yong mga newbie na pati itlog ng langgam pinapatulan makapaglevelup lang, hati-hati pa sa exp. :laugh: I feel like my tears wants to fall because of too much joy.

For Assassins, when you're cornered and no one comes for help, then some Storm Dust occurs and makes a great view like the entrance of a protagonist in a a movie. For Priests, the time when you heal Zombie prisoners, then suddenly a Hunter Fly attacks you defenseless but some stranger comes and help you. It's like, "Oh, thanks man. You saved me 3 hours of sleep and lots of bucks."

`Yong naglilibot ka sa Culvert tapos may makikita kang something weird, something na mas malaki sa mga normal na ipis na nakikita mo doon. Tapos kumikintab na parang ginto. :D Syempre curious ka, lalapitan mo. Magugulat ka na lang, pinagpipyestahan ka na ng mga ipis. Pagdating naman sa Ant Hell, mga langgam naman ang gagawin kang pulutan kapag nakita `yong bading na Mrs. Puff. :lmao: Mabagsakan ng Meteor Storm ng Dark Lord :getiton: . Lalo na `yong mga "Pa-warp po sa GH." paglabas mo sa warp, "Ala nasan na ako." :rofl:

Naramdaman mo ba na tumambay ka lang doon sa gitna ng town, Prontera, Alberta, Payon, Geffen o sa GH para lang sabihan ng "Hi" ang mga dumadaan na tao? Naramdaman mo ba namaglibot lang sa buong mapa at magpakamatay kapag naliligaw ka na? /gg `Yong papasok ka sa Dungeons para lang ma-rape and madapa? Tapos tatawa tawa ka lang sa ginagawa mo. :pacute: `Yong kahit mataas na ang level mo, papatay ka ng Poring para lang marinig itong mapisa? :evilol:

You know what makes RO great? We all play without knowing about the game. We're all noobs playing with other noobs. :lol: This is the place where you laugh at newbies knowing you did the same when you were begginner.

Kung may magtatanong lang kung sino ang first love ko, ang isasagot ko, "Anong sino, tanong mo kung ano? Ragnarok!" Hindi ako mag-aalangan.

The first 10k zeny, the first monster card drop, the first flirt with an opposite sex in the game, the allies, the favorite towns dungeons and the greatest weapon. Sabi nga, Midgard is better the the real world. Bakit online lang siya? Bakit alaala na lang siya ngayon? /sob

"Pa-buff please?"

 
sobrang naka relate ako miss ko ang GH hunter lang character ko dun sasali ng party para libre buffs nakakamiss talaga Payon theme ang favorite ko!
 
WOOOOO!!! I LOVE THIS GAME! Dito ako pumayat talaga. Isipin mo ba naman maghahanap ka ng pera pambayad ng load tapos pambayad pa sa computer shop.
Sarap maglaro nito. Lalo na yung madame kayo sa computer shop. Yung pa warp sa GH tapos mag uunahan pa sa pagpunta dun sa warp. hahaha
Nakakamiss.!!! Gusto ko ulet maglaro. Kaso walang time.

My First Love!
 
Hahahaha sarap balikan ng ragna meymories nyaha pisain ang poring gawa ng tunog haha nostagia ang back music ng protera... Search nyo sa utube Tree of Saviour..
 
For the feels. Para sa mga gustong mag senti - RO style. hehe.


4:40+ best part. :)

Beta tester ako sa Sakray noong '03-'04. Invite-only pa siya at nasa 200 lang population namin na may 4 guilds. :lol:
Kami nag test ng unang WoE, snow sa towns, etc. Kahit konti lang kami, na-enjoy naman namin yung game kasi halos magkakakilala na kaming lahat.
Dumayo pa ako nun sa Las Pinas para makalaro yung ibang testers. Hehe.
The server eventually closed in '04.
Before i-shutdown yung server, nag summon sila sa town ng maraming rafflesia, ni-raise yung exp gain (1 level per rafflesia ata yun) at nag summon ng sandamakmak na boss. :lol: Ang saya. Hehe.
Nag decide kami na lumipat sa Sarah pero hindi na ako nagtagal na maglaro kasi may bayad na rin noon. :lol:

May isang saying lang ako na hindi makalimutan --- "Wala sa porma ang lakas".

Sad nga lang at magsasara na ang pRO. :cry:
 
naging babae ako dahil sa RO hahaha
 
Join kayo sa upcoming server ko mga ka-symbianize! 2,000 expected players galing sa pRO at bRO. Click here!
 
quite the nostalgia... dito ko na abuse yung pagiging babae ng character ko, andami nanliligaw at nagbibigay ng items :lol:

I remember my first assasin na mali yung build hahaha nalala ko sinesave ko yung baon ko nung high school para makabili ng load
for dial up and 1week unli Ragna... hanggang tumilaok ang manok sa umaga.. poring parin ang tinitira! :upset:
 
walang pang ambag ng project sa school pero may pambili ng card ahahahaha
 
un oh... na alala ko din nung una... acolyte gamit ko haha

" WARP --> GH 1k only "


hahaha
 
Naaalala ko noon opening plang mga tga levelup napunta sa mga tambayan kong comp shop... ang gaganda nila hahaha.... tapos inintroduce sa akin ang ragnarok... wala pa 1mbps pataas na bandwitdh noon, madalas 128kbps lng... 512kbps pandigma na dati... wag lng magporn ang mga kasabayan mo kundi novice ka plang nag iisnap kna basta basta... ang saya noon yung Pari ko na Str+Vit type na naglulure at tumatanke kay bapho kasama ang mga mors mortiz sa "chaos".. yung may naging syota ka na pag nde ka naglaro magtetext nalng na niloadan ka ng P500 maka party klang sa game.... . . . yung magic type ka pero puro failed ang build mo hahaha... now lilipat na ako sa "Iro" waiting for the migration system ng Pro to Iro.. sayang mga gamit ko sa valkyrie... sa ragnarok na talaga ako lumaki at natuto promise.. ROK ON..

Chaos IGN: HIKKI
ODIN IGN: Magister HIKKI
Valkyrie: Hikki~Pulube, [FS]Hikki, Lady Hikki
IRO: EvansPH
 
Tapos wala pa bot nun tlgang pahirapan ang pagqquest haha todo research at basa den pag may time daig pA ang nagproject sa school para solid ang build nyaha Scratch card tap up kahit wala na pangbaon haha
 
nakakamiss nga talaga yung mga moment sa RO

naalala ko pa yung warp sa GH 1k pero ako nagaabang lang ng warp na libre

tas mattrap ka dun sa map malapit sa geffen :lmao: tas walang kang Bwing :rofl:

pag nasa GH ka naman na wag mo lang kasalubong yung Rideword kasi alam mong katapusan mo na

tas pag pumasok ka sa loob SkeletonPrison makikita mo na pinapaliguan ng Heal ng mga batang Acolyte

:rofl: and those looting moment na pag may drop na card mabubuo yung mga party sa isang lugag para lang sa loot :lmao:

hay sarap balikan yung ganung moment bibili ng card kasi maeexpire na :lmao:

anyhows paalam ragnarok online lagi ka nasa puso namin :lmao: drama potpot :laugh:
 
Nice thread, 1st character ko ung swordie den upgraded to crusader:yipee:, kaso dko na nalaro nung ngka third job. Dahil sa ragna dumami drop-out tska sinko sa transcript ko, dahil xempre sa kakaibang experience pg nsa midgard world kana, dko ramdam ang bilis ng oras nun na ginabi na pala ako. Dko makalimutan ung feeling nun noong novice pako na gustu ko na lumakas kagad para maka advance na sa mga ibang level. At kahit ung mai pass ko ung 1st job ko na swordie ibang saya na din ang na feel ko nun. kaya dun ko na mas hindi tinigilan ang ragna. At un na nga mga ilang daan din ung mga poring, at tska parang mga rabbit, orcs, skeleton, mga mumu sa japan o china ata un at iba pang mga monster ang binash ko tska magnum break para mag level. At xempre mag endure para makatakas kung nauubusan na ng pots color red, orange, yellow, white and so on. And da best talaga e ung may mga ka party ka dahil mas nakakalau ako ng level xempre dahil sa teamwork. At un hanggang ng lumaks na ng lumaks e lalo na dn tlaga ako npa hook lalo na pg may mga plus percent level up, hanggang sa ang naging pinaka ayaw ko nang araw e wednesday dahil sa maintenance. :lol: Sana nga magkaron dn sa totoong buhay ung sword art online.
 
Ako naglaro from 2003 up to March 2015 (nung nag-close yung pRO). Ang servers pa lang nung nag-start akong maglaro was Loki, Chaos, Iris. Sa Loki ako hehe.

Wala akong "hiatus" time all those years -- I'm always active. Pero 'di naman ako hardcore player. I do attend sieges as much as possible. From Loki, lumipat ako ng Fenrir -- kasabay lumabas ng Odin. Tapos lumabas yung Lydia then Sarah. May lumabas pang Urdr nun -- PK server. Nag-merge din yung mga servers at lumitaw yung Baldur, Freya, Tyr. Hanggang sa naging New Chaos.

Lahat ng servers na yun may characters ako hehehe. Then lumabas yung Valhalla (na naging Thor). Dito ako mejo tumagal. Last na servers na lumabas was Valkyrie then New Iris. Yung mga guilds naman na nasalihan ko includes Replica, Rekta, Midgard's Finest, ruthless, ATAT, Fear Ascendant, Titans, Dominions, etc. Punung-puno ang agits nun 'pag WoE lalo na nung hindi pa lumalabas yung new agits.

Nakailang eyeballs din kami nung mga kasama ko sa guilds -- Summer EB at Christmas EB. Hanggang sa nagsara nga yung pRO last year. Akala ko yun na ang last time na maglalaro ako ng Ragnarok. Good thing is na-migrate lahat ng characters ko sa iRO including yung very first character ko si elmer0224 na sabog ang stats na Pari.

Masaya naman sa iRO. Nandun yung mga dating players ng pRO at yung mga ibang servers pa na nag-close like Indian server, Brazilian server, Indonesian server, etc. Gumawa ang iRO ng new server para lang sa mga migrated players ng pRO which is named Thor. So kung gagawa kayo ng characters sa iRO, gawa kayo sa Thor -- mostly Pinoy dun :)

Ang dami pang pwedeng i-offer ng RO. Di pa rin sya nakakasawang laruin. Kakalabas lang nung next job ng Gunslinger, yung Rebellion. Next year 2017, naka-schdule lumabas yung mga sunod na jobs ng Star Gladiator at Soul Linkers. Favorite class ko yung mga Soul Linkers kaya abang-abang lang ako hehe.

Nahinto ako sa pRO sa El Dicastes episode. Sa iRO nasa Phantasmagorica episode na. Naka-schedule pang maglabas ng New Map based sa North American culture -- yung Terra Gloria. Tapos may mga new costumes pa from Japanese RO (jRO). Patuloy pa rin sa pagde-develop ang Korean RO (kRO) kaya matagal pa ang life ng RO hehe.

Playing at iRO is like playing Ragnarok for the first time in 2003. Helpful pa rin mga players -- tinuturo yung mga bagong quests at yung mga new ways of leveling (like Eden at bounty quests). Nag-increase na rin ang level gap from 150 (nung nasa pRO pa ako) up to 175. Yung mga high level characters ang tambayan is yung Biolabs 4 -- mga 3-2 characters na Artificial Intelligence (AI) ang kalaban. Sa Biolabs 3 kasi yung mga Assassin Cross, High Priest, Whitesmith etc (2-1 jobs). Sa Biolabs 4 naman yung mga Stalker, Champion, etc. Eto ang New GH ng mga high level jobs hehe.

In short, it's still fun to play RO amidst the many 3D online games out there. So what are you waiting for? Gawa na ng new character sa iRO :)
 
hayzz nakaka miss nga tong karong ito.. still playing pRO valkyri
 
hahahaha, naalala ko tuloy nung mga highskul pa kami ng tropa ko...may nilaro kami isang private server tpos ung isang tropa namin ang damot ndi namimigay ng doppel card kaya ginawa namin hinack tpos sinabi lng namin na nag roll back hahaha..nkapag benta din ako sa kanya ng moonlight card tpos mga ilang araw nag roll back hahahah.. anyway sa pRO chaos server ko lvl 70 na hunter lng..naalala ko din ung pag may na drop na whisper card sa GH khit nka upo lng biglang tatayo tpos sasabay ng sawsaw hahhaha...ang sarap balikan.
 
Back
Top Bottom