Ok naman ako, kahit noon wala ka pa
Kahit walang tawanan, walang halakhakan
Ok naman ako, kahit noon wala ka pa
Kahit walang kwentuhan o kantahan
Ok naman ako, tila tubig na kalmado
Walong oras sa trabaho, tapos sa bahay dumiretso
Ok naman ako, araw araw na ganito
Walang pagbabago, tahimik at kuntento
Ok naman ako, kaso dumating ang bagyo
Nagulo ang dating tahimik at payapang mundo
Ok naman ako, kahit maraming mga puno ang gumuho
Malahiganteng alon rumaragasa dala ng bagyo
Ok naman ako, kaso dumating ang bagyo
Mga dating nakagawian ay unti unting nagbabago
Ok naman ako, kahit di sanay sa ganito
Natutong tumawa, humiyaw at manukso dahil sayo
Ok naman ako, dahil sayo naranasan kong makawala sa siklo
Tulad ng bagyo, ito ay unti unting lilipas at maglalaho
Ok naman ako, salamat sa maikling panahon mo
Dahil sayo natutunan kung maging masaya kahit papano