Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem PAK in WAN..


Magandang araw po mga ka-Mobilarian.. Dito ko na lang pagsasamahin ang mga tulang nagawa ko at gagawin ko in the making :giggle: Harinawa ay magustuhan ninyo po. Salamat po :salute:

Unang pagtatangka ko, pasensya na po newbie pa lang.. May mga binago at dinagdag ako sa ilang lines dito para mas maging angkop...

MAHIWAGANG LAPIS


Pasasalamat

Pangako

Mahiwagang Lapis

Tiwala

Kras ko si Silver Axe

Salawahan

O genki desu ka? ( Kamusta ka? )

PIANO

ABAKADA ng aking PAG-IBIG

Paalam Khulet

Pahapyaw

Metamorphosis ( Banyuhay )

NAKITA ko ang ADA

Lihim na Liham

Kambal na Pighati

Si X at si Z

Ang aking Ka-IBIGAN :wub:

SIPHAYO

PiaNOLOVER

Mr. Swabe


PAK in Wan


================



 
Last edited:
Re: PiaNOLOVER ( LynnTek na Pag-ibig )



PiaNOLOVER

Sabi mo ako ang iyong G clef
Ikaw naman ang aking F clef
Bubuo tayo ng Grand Staff
Na ang pag-ibig ay Non-stop

Magkaiba man ang ating age Bracket
Dapat pa bang itanong kung bakit?
Sisihin mo si Cupido
Ang Sharp ng kanyang arrow

Ikaw ang naging Key sa aking puso
Tumugtog ng bawat Tiklado
Nasasabik sa iyong pamatay na Lines
Binabalik-balikan parang Repeat Sign

Signature mo ang mag-surprise
Paghanga ko'y nag-Octave at patuloy ang pag-rise
Natural lang na ma-fall ako
Hindi naman Flat ang damdamin ko

Whole life ko ay sayo lang umikot
Binigay ko aking Time at effort
Kahit Half o Quarter nitong love
Hindi mo pinalasap take Note

Hiniling mong Space ay binigay ko
Sa lambingan ay Rest muna tayo
Unti-unting nawala sa Tono
Ang relasyon natin ay naging Sintunado

Nasaan na ang pangakong hindi tayo maghihiwalay?
Pagsubok man ay Chords kung dumating ay sabay-sabay
Major or Minor pa yan walang problema
Basta tayong dalawa ay magkasama

Ang pait at kirot na nararamdaman
Buhat ng ikaw ay lumisan
Hindi kayang i-Measure ng Scale o timbangan
Ating Composition ay natapos sa Dot lang.



==========================




Para sa akin, ito na siguro ang pinakamadugo at pinakapaborito kong tulang nagawa. :pacute: :wub:

Words written in bold with black, blue, green and red colors are music related or music symbols typically found on a piano music sheet. Kung sakaling ikaw man ay nagugulumihanan at may pagkakataong makabisita dito sa List of Musical Symbols upang maunawaan ang kaugnayan nito. :) Salamuch

inspired lungs sa isang poem ng idol ko :pacute:
 
Last edited:
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig

Ayus paturo ako
 
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig

Napakagaling!! Napakalaki ng ipinagbago mo sa pagsusulat, sa pamamaraan ng pagsusulat, sa paggamit ng angkop na ideya base sa iyong kagustuhan.

Ipagpatuloy mo ang pagsusulat! :salute:
 
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig

Ayus paturo ako

ako dapat magpaturo sayo idol :giggle:

thanks at nabisita ka dito :)

Napakagaling!! Napakalaki ng ipinagbago mo sa pagsusulat, sa pamamaraan ng pagsusulat, sa paggamit ng angkop na ideya base sa iyong kagustuhan.

Ipagpatuloy mo ang pagsusulat! :salute:

gusto ko dagdagan ang challenge ko idol.. salamat at lagi mo akong dinadalaw sa aking selda :pacute:
 
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig

ang galing, paturo naman idol
 
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig



Mr. Swabe


Hoy, naaalala mo pa ba?
Yung inukit mong puso pero 'di sa punong mangga,
Tinapay na tinabi at pina-laminate ko pa
Ikaw din ang nagtapon dahil may amag na

Mga pornong DVD na nabili natin sa bangketa
May papikit-pikit portion ka pa ng mata
Nagagalit pag-nanunuod na di ka kasama


Hoy, naaalala mo pa ba?
Monthsarry nating pinagdiriwang ko mag-isa
Pagbati sa iyo ako ang laging nauuna
Ano nga bang bago sa luma?

Sa pamimili ng damit ikaw lagi ang kasama
Tipong ang daming kukunin, bibilhin ay isa
Kung tumawad kay ate ay sagad pa

Yung unang ngiti mo sa ginawa kong tula
Kinikilig ka habang sayo ay binabasa
Anak ng .. Naiihi ka lang pala


Hoy, naaalala mo pa ba?
Yung kapit-bahay niyong chismosa
Magsuot lagi ng helmet kanyang babala
Baka matisod ako at matauhan na

Nagbabaka-sakali parin ako at umaasa
Sa inuman ay maka-one-on-one ka
At masabi mo sa akin ang salitang "Mahal Kita"

 
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig



PAK in WAN

Ang hirap mong ispelengin
Bagaman tatlong titik lang ang iyong name
Pabago-bago ang takbo ng isipan
Tila presyo ng bilihin sa pamilihan

Noong una kang masilayan
Poreber na yata ay nasa harapan
Kaya naman di na kita pinakawalan
Tayo na agad wala ng madamdaming tanungan

Madalas tayong tinatanghali sa lakaran
Dahil sa habit mong mamaya na lang
Ibig mo na ikaw ay hihintayin
Samantalang ikaw naman ay mainipin

Lagi kong tinatawanan
Ang mga lutuin mong pacham
At sinasabi kong "Pwede ng pagtyagaan.."
Ngunit masarap talaga sa totoo lang

Ikaw lang ang laman ng puso at isipan
Kahit simpleng "K" di mo ako nirereplyan
Galit pa kapag ikaw ay tinatawagan
Pero ayos lang, may pasalubong ka naman

Naiinis kapag sa Facebook ako ay may katsikahan
Palibhasa'y di ka mahilig sa huntahan
Ngayon "Tao ka na" at marunong na gumamit ng emoticon
Kaya naman bawat post mo ay aking pinupusuan

Naiirita ka sa tuwing ikaw ay kinakantahan
Mga awitin kong paulit-ulit lang
Pero sa gilid ikaw ay minsang natagpuan
Sumasabay sa aking musik laban

Kahit paulit-ulit mo akong laitin
Sa pangarap kong walang suporta kahit katiting
Ikaw pa ang unang-unang nambu-bully sa akin
Tuwing di magkahawig ang model at ang aking drawing

Bagamat tinatamad kang ako'y suyuin
Makikita ko na lang sa lamesa ay may ramen na nakahain
Magkukunwaring di ikaw ang may kagagawan
Dahil ayaw mong "Sweet" ikaw ay mabansagan

Kapag naglalakad tayo sa lansangan
Ayaw mong aking kamay ay hinahawakan
Di uso sayo ang Public Display of Affection
Makunat ka pa sa nabili kong Chicharon

Nasusura ka kapag mata mo ay napapansin
Na laging sa chicks nakahilig ang paningin
Pakiusap huwag mong problemahin
Basta't mas mukhang tao kaysa sa akin

Alam kong walang perpektong nilalang
Kaya sa ugali mo ay di mauubusan
Ngunit gusto ko lang iyong malaman
Nasayo na ang lahat.. Packed into One



==================================


Isang buwan na rin ang lumipas nang gawin ko ang poem na ito.. napakasaya kong makita ko siyang nakangiti habang binabasa ko sa kanya ang tulang ginawa ko para sa kanya the day before ng aming monthsarry. napakaseryoso niya sa buhay at hindi siya mahilig sa mga poems ( kabaligtaran siya ng lahat ng katangian ng idealman ko :lmao: ) nagpapasalamat ako sa nasa likod ng tema ng tula na ito na unang kita ko pa lang ay na-inspayr akong gumawa agad. :salute: natuwa siya na marinig sa akin yung mga pangit na ugaling kasama sa minahal ko sa kanya.. :)
 
Last edited:
Re: [POEM] LynnTek na Pag-ibig


Minsan ako ay nagtanong
Sa panalangin ko sa Panginoon
Ako ba ay sinisingil?
Kasalanan ba ang sumisikil?

Ang puso kong may tampo
Buhat ng kayo ay maglaho
Wari bang kahapon lamang
Narito kayo sa'king sinapupunan

Kung sino pa ang walang ingat
Tipong kinakape ay alak
Pagkatapos nilang magpasarap
Itatapon lang na parang kalat



 
Re: [POEM] LynnTek na Koleksyon ko







Nangako tayo sa isat-isa..

NGayon, tinutupad ko na lamang mag-isa..






eto favorites lines ko dito :) :) :)
ang galing! :salute:

keep on writing!
 
Back
Top Bottom