Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ayoko ng magaral , ito ang gnawa ko . :(

kamusta na kaya si TS ako dinanas ko din yan nung 1st year ako. 1st sem mejo maganda grades ko tapos nung 2nd sem na nagpalokoloko ako 2 subjects naman binagsak ko pero yung iba mababa na tinamad na kasi ako kaya di ako pumapasok minsan pagala gala din ako tinatamad na kasi ako magaral eh tapos lumipat ako ng ibang school kumuha ako ng 2year course natapos ko naman ngayon nagwowork na ako contractual nga lang buti tuloy tuloy ang pagrenew sakin magddalwang taon na ako sa work ko, dami nagpapayo sakin na magaral ulit kaya lang tinatamad na ako gusto ng parents ko magaral ulit ako pati yung mga officemates ko sabi sakin magaral na din ako basta oo lang ako ng oo sa kanila pero ang totoo nyan ayoko na talaga magaral.. Gud Luck stin TS
 
Active pa ba yung user na nagpost nung nakakatawang kwento niya tungkol sa pagigigng Juan Tamad nya sa pag-aaral?

Kung yes ito lang masasabi ko sayo.

Hoy unang-una sa lahat kabugukan yang ginagawa mo,
Parang yung kapatid ko ngayon at yung isang kaibigan ko.
Actually hindi ko na masasabi na kaibigan ko pa rin siya kasi simula ng itigil niya ang pag-aaral niya at magsimulang tahakin ang maling daan nilayuan ko na siya but wait syemepre ginawa ko ang lahat para mapilit siyang mag-aral at magbago pero wala talaga eh, ayun wala sirang-sira ang buhay niya ngayon and yes may kaya din ang pamilya nila pero unfortunately naghirap sila and now what he become is not very pleasing to the eye, I can say na naging drug addict siya and so on and so fort. now may nobya siya and I hoping mapagbago siya nung nobya nya.
Her gf is a good person I know her kaya nga I am wishing na sana magtagal sila.

At sayo naman who knows one day bumagsak ang finance ng family mo? wag naman sana. Pero paano kung mangyari nga?
Anung gagawin mo para tulungan ang magulang mo?
Marami kang dapat ipagpasalamat sa Diyos dahil sa mga Blessings sayo.

And one thing I hate in your story is about natatakot ka na madisappoint sila sa grades mo?
kabugukan yan brad. Kasi kung ayaw mo talaga ma-disappoint sila eh di dapat sinikap mong makakuha ng matataas na grades para hindi sila ma-disappoint.

Sayang na sayang lang ang pera at panahon. yes 17 ka ngayon pero brad tatanda at tatanda ka at alalahanin mo rin tumatanda ang mga magulang mo, Ayaw mo bang maging proud sayo ang magulang mo bago sila mawala?

such a waste.

So Based on your story sa tingin ko lang eto siguro yung factors kung bakit ayaw mo na mag-aral

Ayaw mong mag-I.T. kasi ang hirap ng course na yan.
Many people thought I.T. is an easy course dahli marami naman pumapasa diyan sa kurso na yan pero sa totoo lang maraming pumapasa na di naman natuto dahil ayaw araling mabuti ang kurso na yan.
So ang result wasted din yung pinag-aralan kasi di magamit yung pinag-aralan.

Ayaw mong mag-aral kasi bored ka na.
Karaniwan ng mga rich kid tamad mag-aral kasi bored sila sa buhay.
Naghahanap ka ba ng excitement sa buhay?

Ayaw mo mga-aral kasi tingin mo sa sarili mo bobo ka?
Karaniwan ng rich kid ayaw mag-aral kasi tingin sa sarili mahina ulo nila or bobo sila.
Hoy walang taong bobo, pero tanga marami!
At nagpapakatanga ka kasi sinasayang mo buhay mo.
Siguro kailangan mo lang ng mga techniques sa pag-aaral like kinds of reviewing methods(I can share some if you want)

Now alin dun sa mga scenario na iyon ka nalilinya.
I just want to say if you have friends bakit hindi ka mag-open sa kanila para mapayuhan ka ng tama( yun eh kung mabubuti talagang tao ang mga kaibigan mo tulad ng sabi mo na wala naman ikaw masamang barkada.)

Kung ayaw mo sa kursong I.T. humanap ka ng kurso na babagay sayo.
Better if mag-business course ka lalo na kung may business ang family mo.
Pero kung ayaw mo ng business just choose a course na interest mo.
 
TS sayang naman yan opportunity na binigay sayo ng parents mo as in., ako mula elementary pinangarap ko maging IT or Criminologist pero mula elementary parang walang support sakin family ko 7 kaming magkakapatid ako bunzo lahat sila naka tapos back to topic nung elementary palang ako gusto ko sumali sa boy scout natanggal ako kasi wala akung uniform, high school naman 1st year OK naman grades ko pero tingen nila sakin ndi ako nag aaral ng mabute kaya tinutou ko nalang, feeling na nakaka badtrip kasi wala silang tiwala sayo mula nun nag start ako mag bisyo at sinabe ko sa sarile ko na susuluhin ko nalang ito balaha na bukas kilangan ko lang mag tiyaga at sipag para sa future ko hanggang umabot ako sa 3rd year gusto ko sumali sa CAT at magbago naisip ko wala rin pangbili ng uniform sayang lang pagod ko sa praktis at then naisip ko mag work nalang fight to achieve my dreams 2008 naging data encoder at illegal document maker ako hanggang sa makatapos ako ng high school, tapos my pera na ako para ma achieve goal ko to become a IT Professional mejo ok na rin tingen sakin ng parents tapos nung mag eenroll naku ng college sinabe ko sa parents "ALAMU BA ANUNG SINAGOT SAKIN???" Gusto namin sa Public School ka mag aral hindi katulad ng mga kapatid mo na lahat private gastos lang at same lang naman natutunan private man o public., muntik na kung maiyak sa sobrang sama ng loob sumagot ako kung ndi rin IT or Criminology ang makukuha kung course hindi naku mag aaral walang IT at Criminology sa Public School dito satin., sumugot sila ndi ka makaka pag aral kung hindi sa public school yaw ka namin ilagay sa private school"

yun nag attend attend ako ng entrance exam sa college ng DOTA laman ng esip ko ni minsan ndi ako nag review., 2 years nakuha ko tumigel ako sa work at ngayun mag aatend ako ng Civil Service ng tinatamad :(.

Payo ko sayo TS wag mu sayangen opportunity na binibigay sayo ng parents mo supportahan mo sarili mo para sa future mo totoy., kung ako lang sana meron ganyan supporta siguro malapit naku sa goal ko ngayun.

Tumingen ka sa paligid tingnan mu yung mga taong mas mababa sayo yung mga taong ndi maka kain ng maayus ndi maka pag damit ng maayus natutulog sa lansangan at "TANUNGEN MO SARILE MO GUSTO KO BANG MAGING KATULAD NILA?" matutu kang mangarap dodong and achieve it not just a dream you wanted to be but for your family mostly in your love once and wife to be :).

gusto mo maglaro tayo ng DOTA :D PM mo lang ako pang patay ng oras :D
 
Parehas na parehas tayo ng sitwasyon TS, eksakto pati course at semester o_O
Nafeel ko lang rin yun nitong naging 2nd yr na ako ng 2nd Sem, ang kaibahan lang naman sakin is hindi ko niwawaste yung time ko lumabas instead pagiging tamad lang sa school -_- ok naman grades ko pero parang ayoko na rin talaga mag-aral :// wala naman akong problem sa Family pero yung lang talaga, nakakatamad but may reason ako is gusto ko na kasi magwork as a Web/UI Designer. Kaya ko naman itake yung IT pero nalihis lang, narealize ko na UI designing ang preferred ko haysss buhay talaga. Goodluck na lng sayo TS! Life is too short TS! live life to the fullest :)
 
TS

Ok, given na yung reason mo na ayaw mo na mag-aral. Nasabi mo na ba sa kanila na ayaw mo na? Well sana oo.
Marami rin naman ang dumaan sa ganyang phase. Kanya kanya nga lang tayo ng paraan pano ma-oovercome yan.

Kung para sayo eh ayaw mo na talaga, it's fine. Palamig ka muna ng 1-2 months. Siguro naman after ng pagliliwaliw mo
eh mapapaisip ka na kung ano ba talaga ang gusto mong gawin sa buhay mo.

You are free to do whatever you want, pero let me remind you, di ka ganyan habang buhay.

Update ka naman TS kung may decision ka na :peace:
 
Gusto ko sanang magkaroon ng balita saiyo TS kung umasenso kaba o hindi. Marami akong kakilala sa amin na matatanda na noong araw daw eh may pagkakataon silang mag aral ngunit bilaliwala lang nila ang pagkakataong iyon. Mas inuna pa nila yung madali at masarap ng buhay kaisa sa mahirap at nakakapagpapawis na buhay sa paghahanap buhay.

Kaya sabi nila sa mga kabataang katulad ko at natin ay " Hanggang kaya pa ng magulang na pag-aralin tayo, ay wag natin baliwalain lang dahil dadating ang panahon na tatanda at manghihina sila"

Maraming kabataang ngangarap na makapasok sa kolehiyo at makapagtapos.

Dalawang taon na ang lumipas at nakakasiguro akong nagbago at magtatapos o nakapagtapos kana TS dahil sa karanasang nangyari sa iyo na nagsilbing aral sa iyo.
 
mahirap tlga ang it para sa mga walang tiyaga.... ako nga kala kop hndi ako mkka grad ng it e? mahirap lalo na pag thesis tym na! ayan na.. pakabahan na yan sa defense tsaka sa pag mmemorize ng mga sasabihin mo during defense... pero ok naman... npakasa naman ako khit na gnun kahirap.. namayap ako kakapuyat pag gwa ng thesis dati.. ngaung tpos nako tumba nko.. :) kya ikaw par tyaga tyaga lang yan.. :)
 
may mga kakilala akong gustonggustong mag-aral peru napatigil dahil nakasalalay lang yung pag-aaral nila sa scholarship ni congressman at ngaung hinde na nanalo si congressman wala nang scholarship.. siguro hinde ka pa natitikman ang hirap ng buhay
 
Ganyan ako dati nung high school ako puro ako cutting kase tinatamad akong magaral , bali di alam ng parents ko , tambay ako computer shop. tapos nag ka sakit ako nung pumunta sa school mama ko. nalaman na di ako pumapasok , nag sisi ako kase umiyak mama at papa ko sa harapan ko. dugo at pawis nila ang nakasalalay saken para lang mapag aral ako. hanggang sa na appreciate ko. ang nag aral akong mabuti. kahit na hirap ako enjoy ko padin ang pag aaral. BTW 1st year 2nd sem ako. BSIT din :) Nasa huli pag sisisi TS :) masarap mag aral. lalo na pag papasok ako inaantay ako ng mga babae kung classmate kase nag tutulungan kame sa assignments. Pero kung ako sayo TS sabihin mo na sa parents mo yung totoo , kesa sila pa makaalam :)
 
alam ko nararamdaman ni ts pinag daanan ko rin yan,

nung highschool kasi ako naging habit ko, tumambay, mag cutting, mag gala, minsan pg hndi ako pumasok tambay lng ako sa computer shop para mag dota :slap: kung pumasok man ako matutulog lng ako sa likuran ng kklase ko (pero never ako naging repeater ksi khit papaano nkaka 75 ako :lol:) at pag test ninja moves lng ako :lol:... nung nag college ako ni hindi ko nga alam yung course na ttake ko, bs management yung una kong course, hindi rin ako tumagal kasi puro negative yung nasa utak ko, pag hindi ako pumapasok ay tumatambay lng ako sa computer shop para mag laro (cabal online), hanggang maubos yung oras (hindi rin alam ng magulang ko) nung natapos ung sem puro singko ung grade ko, nakokonsensya ako kasi, my kaya lng kme ksi ang mahal ng tuition ko... huminto ako ng isang taon, at gusto ulet ako i enroll ng magulang ko, pero ayaw ko (grabe puro negative yung nasa isip ko) at onetime my kklase ako ng highschool na mag eenroll ng 2yr course I.T, at niyaya ako, hanggang sa nag enroll nko kasabay ung mga dati kong kklase...

nung nag take kme ng basic programming lang "c at c++" which is, hindi ko akalain sobrang nagustuhan ko ang programming at hindi ko akalain kaya ko pala :lol:, hanggang sa tinalikuran ko ung dating habit ko at tinamad nko mag online games ksi mas nalilibang ako sa program :lol:... nag aadvance self study pa nga ako ee khit wala akong subject na ganun, nung newbie palang ako pa research research lng ako about sa guide.

ngayon more than a month of experience in programming but i guess almost 1year... grabe pinag sisisihan ko yung panahon na nasayang, ngayon nag sisisi ako ksi hindi ako fluent sa english hahaha "hindi ako matalino pero ma tyaga ako kasi gusto ko yung ginagawa ko", self study lng puhunan ko, kasi yung mga professor ko sobrang bobo, (plan ko kasi pag graduate ko sa 2yr I.T ttransfer ako sa b.s.i.t at para ma credit yung mga subject na alam ko :lol:)

yan po yung experience ko hahaha :lol: :beat: :lol:
 
Last edited:
ok yan...kailangan mo lang mag decide kung saan ka pupunta...mahirap kasi kung habang buhay kang walang direksyon...
 
alam mo TS minsan na rin pumasok yan sa isip ko na gawin yang ginawa mo . kaya lang mahal ko talaga ang programming eh. IT din kase ako actually BSIT, ayoko na mag aral kase tinatamad na akong pumasok sa ibang subject, ang trip ko lang talaga yung programming namin. tsaka marami akong tropa kahit alam kong mga bad influence sila sama parin ako hehe :)

mapapayo ko na lang sayo TS,
maghanap ka ng dahilan para mag-aral at pumasok sa school, kunwari mag hanap ka ng mga tropa na gustong gusto mo pumasok dahil sa kanila, o kaya inspiration tulad ng GF, kase ang mangyayari pag ganito nag aaral ka na nag sasaya ka pa sa buhay mo. wag mong bigyan sarili mo ng problema ts, bahala ka mag sisisi ka

hahaha programming is <3, yung aken nga lng, kahit sobrang nakakatamad at nakakantok yung ibang subject tyagaan lng yan :lol:, at ang pinakamasaya na feeling yung pumapasok ka at nakikita mo yung crush mo (badtrip lng noon nalaman ko yung crush ko ay may asawa na pala at may anak na :what: :hyper: :upset:)
 
Last edited:
tama cla TS ganyan din ung sa akin eh 2nd year na ako 1st sem d ko na tinapos parang ewan kac ung prof namin eh walang kwenta mag turo sa DATAMEX aun nasabi ko sa parents ko ang rason kung bakit d na ako nag papasok kac sayang dw buti naipon ko ung perang pang exam ko hahahaha almost 3k din un prelim midterm a pre-finals hahahaha kaya eto ako ngaun nag bibussiness na lang kumikita pa ako saka d na nasasayang ang oras ko sa ibang bagay kahit 1year lang ang natapos ko iba iba talaga ang uri ng tao may gustong makatapos ng pagaaral may ibang ayaw naman matuto pero dinadaan na lang sa diskarte kaya umaasenso :salute:
 
pwew!!dapat sinabe mo na lang agadnoh?? hahaha grrrr.... galing galing ohhh :P
 
wala na ko sabihin kay ts, nasabi na lahat eh....

aabangan ko na lang yung pagsisisi nya pag dumating na sya sa sitwasyon na sya na magkapamilya at wala syang maipangtustos sa mga o anak nya pampaaral kahit gusto nya paaralin anak nya.... :noidea:
 
ahaha,, isa lang naintindihan ko sa mga nag bibigay ng advice? "NAPAG DAANAN KO DIN YAN"

hehehe...

push mo lang yan ts, councilor lang ang kilangan mo, at nandito na ata ang lahat ng councilor na nagcomment, just accept and realize the advice of our symbmate.
 
Back
Top Bottom