Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ayoko ng magaral , ito ang gnawa ko . :(

ang sarap kaya mag aral. :D pero kng di mo talaga trip mag aral tol. mag business ka nalang. sabihin mo sa parents mo tulungan ka nila .para pag nawala na sila hindi ka pupulutin sa kangkungan. madami patok na business ngayon.
 
Masarap tumambay, kahit sino gusto yan. Pag dumating yung time may baby ka na, magbabago pananaw mo sa buhay.
 
share ko lang experience ko. last 2015, tumigil ako sa pagaaral kasi nagkaroon ako ng depression. araw-araw, nalulungkot ako at umiiyak (pero secret na kung paano ko nakuha yun, medyo personal) :). nung una, galit na galit yung nanay ko dahil tumigil ako sa pagaaral. pero yun tinulungan pa rin ako ng parents ko at pumunta kami ng ospital. yung una kong doktor di epektibo sa akin although may gamot siyang nereseta. yung pangalawa naman, masyadong mahal yung bayad sa kanya kasi nasa private hospital yun. pero tinulungan kami nun, ni-refer kami sa isang ospital. tapos yun tuloy-tuloy na ako doon nagpagamot. pero sa ngayon, medyo magaling na ako pero di pa rin ako magaaral. baka next school year papasok na ulit ako. ang masasabi ko lang. wag mawalan ng pag-asa. ako nga natatakot pa rin akong magaral kasi alam mo na yung iba mong ka batch mate mo nung highschool, one school year advance na sa iyo. parang magiisip ka kung ano na gagawin mo at wala ka nang magawa kasi nangyari na yun. pero di ako nag-regret na nag-stop ako. kasi gumaling naman ako. ok na akong gumaling tsaka naman depressed ako tapos pumapasok ako. baka di ko na kayanin yun. pero isa lang ang advice ko, bumangon sa pagkalugmok mo. baka sa pagbangon mo maging maganda na buhay mo. akya wag mawalan ng pag-asa. yun lang.
 
naranasan ko rin ang maging ganyan ts, kaya di ko natapos 4yr course ko na I.T., sa time na nag-aaral pa kasi ako nagpapart time job din ako bilang crew sa jollibee. kaya hayun hirap pagsabayin at may gf pa ako, kaya di rin ako nakatapos ng pag-aaral. Matalino naman ako, kaya lang hirap talaga makakita ng trabaho na gusto mo kapag di ka graduate buti na lang may kumpanyang nagtiwala at tumanggap sa akin, nagpakitang gilas ako at na-promote, ako lang yung di grad samin pero ako yung may pinakamataas na posisyon. Pero kung babalikan ko yung time na wala akong trabaho sobrang nakakadipres, at pinagsisihan ko talaga na hindi ko tinapos pag-aaral ko. Kaya ngayon diskarte sa buhay at magandang performance sa work na lang mine-maintain ko. Kaya ikaw ts habang may nagpapaaral sayo wag mong sayangin kasi dadating din yung time na pagsisihan mo rin yung mga ginawa mo.
 
Last edited:
Gusto mo ba yang course mo TS?. ituloy o lang sa panahon ngyn mahirap ang walang natapos, well kanya kanya nmn tayo ng hilig nsa diskarte lng yan pero mahala talaga ang may pinag aralan nsa huli nag pagsisisi. Tangapin ung mga advise ng mga nagcomment na makakabuti sau.
 
manood kanang ka nalang "3 idiots".... para malaman mo... diskarte ng studyante... all is well....
 
Nako... isa lang na isp kuh subrang bata mo pa mag.isip... darating ung panahon na mag.mature ka na.. yan yun panahon na pag.sisihan mo yung mga mali mo sa buhay.. goodluck nalang update ka dito pag. nahanap mo na sarili mo....
 
ayos lang yan pag sa mayayamang tao ka naipanganak.....pero pag hindi naku magsisisi ka pag tanda mo na......mababanggit mo ung mga salitang gaya ng...."kung maibabalik ko lang ang panahon.....".....sabay mapapatingin ka sa malayo...or sa langit...ung mga ganong linyahan...haha

hindi ako magaling sa clase pero ok naman grades ko hehe namimiss ko ang school days ko....sarap pumasok.....sarap makasama muli ng mga barkada...haha..kakamiss tlga.....
 
pare tigil ka muna, sabihin mo ang totoo sa mga parents mo kasi kawawa naman sila umaasa. Sabihin mo ang katotohanan kong totoo itong sinasabi mo nakaka relate ako kasi ganyan din ako dati pinatagal ko pa umabot ng limang taon bago ko inamin sa kanila at talagang nagsisi ako pare, kaya ikaw mas maaga sabihin mo na agad.
 
kamusta na kaya si TS? nung nacomment ako dito contractual pa lang ako pero ngaun permanent gov't employee na ako.. hindi nga lang ganun kataas ang posisyon pero ok na rin kasi may benefits naman ako at sa ngaun ok pa ang naman ang sweldo, kasya naman para sa single at kahit papaano nakakapundar din naman.. sana magcomment si ts kung ano ng balita sa kanya.. or baka naman natokhang na si TS? ahaha joke lang

- - - Updated - - -

pare tigil ka muna, sabihin mo ang totoo sa mga parents mo kasi kawawa naman sila umaasa. Sabihin mo ang katotohanan kong totoo itong sinasabi mo nakaka relate ako kasi ganyan din ako dati pinatagal ko pa umabot ng limang taon bago ko inamin sa kanila at talagang nagsisi ako pare, kaya ikaw mas maaga sabihin mo na agad.

hahaha matagal na panahon na po itong thread na ito
 
naging ganyan din ako isang propesyonal na tambay dahil sa anxiety
 
TS. Mag aral ka ulet pra magkaroon ka ng 'Propesyon' Balang araw ang propesyon mo ang magagamit mo pra makatulong ka sa kapwa.#Lamang ang may Alam.
 
Ganyan din ako dati... pagkagraduate sa highschool kumuha at tumapos lang ako ng 2year course tpos naging PAL for 6 years... inabot ako ng ganung katagal bago maisip na hindi habambuhay nandyan ang magulang ko para buhayin ako kaya nagsimula ulit ako mag-aral
 
Ganyan din ako dati... pagkagraduate sa highschool kumuha at tumapos lang ako ng 2year course tpos naging PAL for 6 years... inabot ako ng ganung katagal bago maisip na hindi habambuhay nandyan ang magulang ko para buhayin ako kaya nagsimula ulit ako mag-aral

tapos kna brod? ganyan din ako pagkatapos ng high school kumuha lang ako ng 2 year course tapos nagtrabaho na, may pampaaral naman sakin kaya lang ako lang talaga tong tinamad sa pagaaral. sa awa naman ng diyos di ako naging palamunin kahit papano nakakatulong na rin ako sa mga magulang ko.. ako sana tulad mo maisip ko rin bumalik sa pagaaral para mas maraming opportunities.. hehe
 
education is a true treasure ika-nga...no doubt about it po...

pero..pero...may mga taong kahit walang proper education e successful sila...

so far hindi pa naiisip siguro ni TS yung hirap ng buhay kasi nanjan pa ang mga parents nya...

oks lang maging tambay as long as hindi ka na umaasa sa magulang sa pang araw araw na buhay...i mean po e ikaw na yung gumagastos sa food, shelter, and other expenses...

no hate po sa comment ko just a comment lang po...no hate din po kay TS kasi hindi lang naman sya ang nagdadaan sa ganyan...

always think positive po mga ka-SB and live a happy life
 
isa lang ang advice ko sa mga student. kung ayaw yo nang mag aral, mag umpisa na kayong mag hanap ng trabaho at wag umasa sa magulang. keep that in mind.
 
Saka ayoko ng pickles sa burger ng mcdo ha. Gusto ko burger cheese tomato lettuce lang :slap:
 
haha bakit TS after 10years ba ano gusto mo mangayari sa buhay mo? gala gala padin? im sure magsasawa ka, so payo ko sayo mag gala ka naman sa ibang bansa, pano? mag aral ka get a job then travel
 
boss kung meron kang sustainable na plano kahit hindi ka naka pag aral ok lang yan, pero ito lang mapapayo ko, sana wag mong pag sisihan na hindi kana kayang paaralin ng magulang mo at saka mo na realize na dapat pala naka graduate kana, hehehe...

learn some trade skills kung hindi mo hilig ang IT :)...

do what you are passionate to do...

good luck po...
 
pag na experience mo yung di ka matangap lang sa trabaho nakaka pang sisi na sana noon pala nag aral ako para kahit paano may back ground ako.
 
Back
Top Bottom