Hi! Hindi ko alam kung active pa po to or not. But somehow nakuha ng post mo po attention ko. About sa experience ko naman, nangyari na rin sakin yung tinatawag na "astral projection". If that's what you called it po. Almost 3 or 4 years ago na rin nangyari sakin yan. And so far, sa mga nabasa ko about sa mga comments mo dito, naka-relate ako. Especially sa part na 'may tumatawag ng name ko'. Nakita ko yung sarili ko na nakahiga then yung pakiramdam ko para ko'ng lumulutang, and after that, nakarinig ako ng boses. Strange voice na tumatawag ng name ko, I want to seek the voice pero parang ang garalgal ng tono. Kung di ako nagkakamali sa memorya ko, tunog babae ang boses na yon. Garalgal at medyo nakakatakot. Nasa kwarto ako nun, hindi ko alam kung susundan ko yung boses o hindi. Pero, isa lang ang naisip ko gusto ko ng bumalik sa katawan ko, Natakot ako dun sa boses. Haha. Paano ako nakabalik sa katawan ko? Pumikit lang ako, at ini-magine ko na ako ay nasa katawan ko na at nakahiga. At yon, nagising ako. Yun nga lang, consequences, Napakasakit ng ulo ko, parang may kung ano'ng nag-vi-vibrate sa utak ko at the same time, uhaw-na-uhaw ako. Para'ng di ako nakainom ng tubig ng isang linggo. After that incident, normal routine na ang ulit ang nagagawa ko.
If by chance, gusto ko sana'ng matutunan kontrolin katulad ng nagagawa mo. Gusto ko rin palawakin pa yung nalalaman ko about this topic. After that day, para kasing naging aware na ko sa mga bagay-bagay.
Haha. Yun lang. Salamat!