You're the reason I quit drinking Kopiko Brown
(Inspired by I Quit Drinking of Kelsea Ballerini & Lany)
Matapos ang isang taon, sinubukan kong muli uminom ng Kopiko Brown.
Habang hinahanda ang tasa, mainit na tubig at ang instant coffee, hindi maiwasang manumbalik ang kahapon.
Ito 'yung kape natin.
Kape na palaging pinagsasaluhan sa iisang tasa.
Kape na saksi sa mga umagang nagmamadaling pumasok sa kanya-kanyang trabaho.
Kape na saksi sa mga gabing hapo ang katawan at isipan.
Kape na saksi sa mga kwentuhan at tawanan sa loob ng tatlong taon nating pagsasama.
Matapos nating maghiwalay, inaamin ko, hindi naging madali ang lahat.
Subalit kailangan ko ng tanggapin ang lahat, kahit paunti-unti.
Iniwasan ko ang mga bagay na nakakapagpaalala ng kahit ano tungkol sa'yo.
Kung kaya't iniwasan ko rin uminom ng Kopiko Brown.
Kahit ang simpleng pag-inom ng kape ay nagdudulot sa akin ng pangungulila.
Mahirap pala kapag nasanay kang may kasalo sa iisang tasa ng kape.
Tila ba nagbago ang panlasa ko.
Noon ay nagustuhan ko naman ang lasa ng kapeng 'yon, subalit tila hindi na ito kanais-nais pa sa aking dila.
Paglipas ng mahigit isang taon, sinubukan ko itong muli.
Muling nanumbalik ang kanais-nais na lasa nito para sa akin.
Naisip ko marahil ay nagbago na ang timpla nito makalipas ang isang taon.
O hindi kaya'y sa wakas, tuluyan ng naghilom ang mga sugat ng kahapon...