Sa tinagal ko na dito sa Symbianize ngyon lang ako magpopost ng thread. Hehehe anyway pagpasensiyahan nyo na po ang aking mga sintimyento. Sa tinagal tagal ko na din na OFW (mag 7 years na sa July), lalu dito sa KSA, eh napuno na din ang salop ika nga sa isang kasabihan.
Tulad ng sabi ko sa taas at sa title ng thread, isa po akong OFW dito sa Saudi Arabia, nagsimula sa maliit na sahod, (PHP 15k, hamakin mo yun pinatos ko hehehe) sa hirap kasi ng buhay at maliit na pasahod sa Pinas eh tinanggap ko na din ang offer ng classmate ko na nauna nang magSaudi sa akin. Wala naman daw kasing tax dito, libre ang pagkain, tirahan, transpo (magiging maselan pa ba ako?), so tinanggap ko na. So to make the introduction short, naging successful ang career ko dito, from Data encoder to Sr. Executive Secretary (di ko na sasabihin magkano ang sweldo ko na ngyon).
Nakapagpundar ng bahay, may hinihulugang kotse, nakapag-asawa, sumusuporta sa pamilya (bread winner eh) at nagpapa-aral sa bunso namin.
Ako yung bread winner kasi ako yung panganay at abroad, yung pangalawa sa amin kasi ay di naman ganun kalakihan ang sahod, pero kung tutuusin malaki na rin, sa call-center nagwowork, yun nga lang ewan bat di nkakaipon or wala man lang naipupundar na gamit pero tumutulong naman daw sa ilang bayarin sa bahay pag nagkukulang ang budget.
Tingin ng karamihan na nasa lugar namin, malamang ganun din tingin ng halos lahat ng nasa Pinas ngyon, na pagka abroad ang isang tao ay marami na itong pera. Anytime makakapaglabas ng pera pagka hiningian mo. Pero di nila alam, ang mapera ay yung mga nasa Pinas na pinapadalhan ng remittance. Parang pamilya ko, padagdag pa ng budget na ipapadala, kung tutuusin halos lahat na ng sweldo ko ay naipapadala ko na sa dami ng bayarin sa Pinas. Minsan naiisip ko kung kapamilya pa ba ang turing sa akin ng aking pamilya? Madalas lang kasi magchat or magtext pagka me kailangan or pagka oras ng sweldo. Ni hindi ka man lang kamustahin kung maayos ba akong nakakakain dito or kung di ba ako nagkakasakit. Cash Machine na yata ang tingin sa akin ng pamilya ko.
Asawa ko lang ang nakakaramay at nkakaintindi sa akin dahil nakatira siya ngyon sa amin at napagtanto nya na ganun nga sila, mareklamo sa budget samantalang ang malaking sakop ng kabuuan ng pera ay napupunta sa kanila. Which is mali, na dapat ay sa asawa ko napupunta lahat at ang asawa ko na ang bahalang magbigay sa kanila. Pero since newly wed kami at nakikisama siya, pumayag siya sa ganung setup namin. Sinubukan ko kasi nung una, sa asawa ko iniwan yung budget nila bago ako bumalik ng Saudi, nagkaroon pa ng tension sa airport, habang sa loob ng kotse. Nagkadramahan kami ng mama ko kesyo ganun daw ang plano ko, at tinatanggalan ko na sila ng karapatan sa bahay. Mawawalan na ba sila ng karapatan sa bahay kung asawa ko ang hahawak ng pera ko? Eh asawa ko yun, natural siya dapat ang humawak ng pera ng mag-asawa. Pero dahil mabait naman ang asawa ko, pumayag siya sa ganun.
Kaso naaawa ako sa asawa ko, ganun ang set-up namin. Di nman ganun ang ugali ng mama ko nung nagsisimula pa lang ako dito sa Saudi, napagkakasya nila ang kakarampot na sweldo ko dati, ngayon na pagkalaki-laki na ng padala ko, ay kulang pa din, to think na me kapatid pa ako na nagtatrabaho. Di ba nila naisip na me asawa na ako, na kailangan ko din magipon para sa future na bubuuin naming pamilya ng asawa ko?
Sana after 2-3 years pagka graduate ng aming bunso maka-bukod kami ng asawa ko at maiayos ang set-up sa budgeting ng pamilya. Yung naaayon, wala naman akong balak na pabayaan ang mga magulang ko, suportado ko pa din sila pero sana maisip nila na di na tulad nung dati na single pa ako na full force ang suporta. Yung hinuhulugan ko na sasakyan, pinapagamit ko na sa erpat ko, paarkila nila ok lang sa akin, madalas nga nilang gamitin at madalas din pamaintenance na ako din ang sumasagot ng gastusin bukod pa sa monthly na binabayadan ko duon. At magugulat na lang ako na wala pang isang buwan nung nakaraan magpachange-oil, nagpapachange oil na naman sila. So basically, pag me kailangan lang sila na gagastusin dun lang nila ako kakausapin.
Na-spoiled sila sa akin, aminado ako. But to the point na ganito? Mukha na ba akong ATM na pupuntahan lang pagka need ng cash?
Minsan tuloy naiisip ko kung di kaya ako magpadala ng isang buwan? (pero bad yun)
Yun lang mga kasymbianize, naglabas lang ng sama ng loob.
Natanggap po ako ng comments, suggestions or violent reactions